Abakada Ng Pag-ibig: Bianca
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Walang panahon si Bianca sa pag-ibig. Ang pangarap niya ay makapunta sa Estados Unidos, maging American citizen at kumita ng dolyares. Kaya naman handa siyang mangahas na magbayad ng dalawang libong dolyar para pakasalan ng American citizen na si Paolo. Pinoy na Pinoy si Paolo. Kapwa Pilipino ang mga magulang nito. Ipinanganak sa Estados Unidos ang binata pero lumaki sa Pilipinas. Nagbalik lang ito sa States para doon magkolehiyo. Ngayo’y nagbabakasyon ang binata sa Maynila. At hindi nito natanggihan ang alok ng maganda at seksing dalaga. Ang kondisyon ni Bianca ay strictly business. Kasalang hanggang dokumento lamang. Pero iba pala ang hangad ng pilyong si Paolo...”