Ang Babaing Hindi Dapat Mahalin
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
MABIGAT ang krimeng panggagahasa. Lalo kapag nalantad, kasiraang puri iyon sa dalawang sangkot: sa naghabla at inihabla na sa kasaysayang ito ay sina Raelene at Erwin. Subalit ang totoo’y walang pamimilit na naganap sa dalagita. Kusa niyang isinuko sa binata ang pagkababae. Kaso’y nagkataong ang stepfather ng dalagita’y mukhang salapi na nakasilip ng butas para magkapera. Ano ang mangyayari sa relasyong nabuo sa tamis ng magkatugong pag-ibig? Kaya bang tiisin ni Raelene ang mga kasunod na pagdurusa dahil sa abot-langit na pagkapoot sa kanya ni Erwin? Mamamalagi na lang bang si Raelene ang para kay Erwin ay babaing hindi na dapat mahalin dahil kinasuhan siya nito ng rape noong araw para kuwartahan at sirain ang buhay?