Once Upon A Love: Starlight
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Social scientist ang amateur astronomer na si Andro de Vega kaya naman sanay siyang nag-oobserba ng lipunan at ng kalangitan pero ang lahat ay isinasailalim sa siyentipikong pag-aanalisa. Kaya nang matagpuan niya sa Punta Del Cielo ang dalagang anak daw ng nilalang na mula sa bituin, natawa lang ang binata. Lalo pa nang ipilit ni Stella na sila’y magkapalad at ang kanilang ugnayan ay “written among the stars.” Pero bakit sa kabila ng pagtanggi ng kanyang isip ay gustong maniwala ng puso ni Andro? Paano tatanggapin ng isang siyentipiko ang mga kababalaghan ng pag-ibig?