Skip to main content

Awitan Natin Ang Ulan

Awitan Natin Ang Ulan

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Pages Corp.

ISBN: 

971-609-466-3

"Walang panahon, walang oras, walang sandali na hindi kita minahal nang totoo."

Dreamin' Of You

Dreamin' Of You

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Hearts Romances

ISBN: 

971-609-358-6

Mga bata pa lamang sila ay kaaway na ni Leilani si Lester. Pilyo kasi ito at madalas siyang pinapaiyak. Ang kakambal nitong si Chester ang palaging masuyo sa kanya, ang nagpapahalaga sa damdamin niya. Masisisi ba si Leilani kung si Chester ang pangarapin niyang maging partner sa buhay? Bigla, sabay na nawala sa buhay niya ang kambal. Bigla, sabay ring nagbalik. At nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Leilani. Naging boyfriend niya si Chester. Saka naman nalito si Leilani. Bakit si Lester ang nakapagpapabilis sa tibok ng kanyang puso?

Fools Fall In Love

Fools Fall In Love

Read This Book Online

Print Publisher

Precious Pages Corp.

"Basta ba sasagutin mo ako bago tayo ikasal, para naman masabi kong naging girlfriend kita bago kita naging misis..."

Hey, Jude!

Hey, Jude!

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Hearts Romances

ISBN: 

971-609-258-X

Hey, Jude! Don’t be afraid; You were meant to go out and get her... Magkasama sina Angelin at Jude na narinig ang awitin na iyon. “Ako iyon, ah. Huwag daw akong matakot.” “Matakot saan?” tanong niya kay Jude. “Matakot sa pangarap. Mangarap sa piling mo.” Nakakatakot mangarap sa piling ni Angelin. Anak siya ng amo ni Jude. Pinag-aral lang ang lalaki ng pamilya niya; at ang kapalit ng lahat ay ang lihim nilang pagmamahalan. Remember to let her into your heart Then you can begin to make it better...

Kung Ikaw Ay Isang Panaginip

Kung Ikaw Ay Isang Panaginip

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Hearts Romances

ISBN: 

971-609-585-6

Ideal man si Paul – mabait, responsable at higit sa lahat, matalino kaya naman scholar ito sa pinapasukan nilang private university. Bukod pa roo’y taglay nito ang kaguwapuhang wala yatang babae sa ibabaw ng lupa ang maaaring tumanggi. And when the time came na umibig siya’t nasaktan sa una niyang pag-ibig ay naroon lamang ito upang aluin siya. Paul made her feel like a princess. Hanggang aminin nitong hindi na best friend ang turing nito sa kanya. Na lahat ng mga ginagawa nito para sa kanya’y may kalakip na pagsuyo... pagmamahal.

Lanie Loves Junie

Lani Loves Junie

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Hearts Romances

ISBN: 

971-609-347-0

Best of friends sina Lanie at Junie. Mula pa sa pagkabata, sila na ang magkasama sa lahat. Wala pa silang mga pangarap noon. Ngunit nag-iwan ng pangako si Junie: Si Lanie pa rin daw ang babaing pakakasalan nito pagdating ng panahon. At umasa siya sa musmos na pangakong iyon ng kababata. Hanggang sa nagdalaga’t binata ang dalawa. Si Lanie, lumaking napakaganda; si Junie, tunay namang guwapo at makisig. At napukaw ang mga puso nila sa iba. Paano na ang musmos na pangako ng kanilang mga puso?

My Lovely Bride: Patrice & Benjo

My Lovely Bride: Patrice & Benjo

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Hearts Romance

ISBN: 

971-609-510-4

Magaling kumanta si Benjo, magaling ding mag-compose ng kanta, na labis na ikinakikilig ni Patrice. Kaya lang, nerd ang binatilyo! Guwapong nerd! Hindi niya inalintana ang sasabihin ng schoolmates niya sa pagkonsidera niya sa sariling girlfriend siya nito. Until “itatwa” siya sa mismong graduation day nila – at nasampal niya ito sa harap ng buong school. Umusad ang apat na taon na hindi man lang niya napagtanto kung bakit ganoon ang nangyari sa high school romance nila.

One Love, One Time

One Love, One Time

Read This Book Online

Print Publisher

Precious Pages Corp.

" Mahirap magmahal nang hindi nae-express, nabubulok ang pag-ibig sa puso..."

One Summertime

One Summertime

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Precious Hearts Romances

ISBN: 

971-609-016-1

Naniniwala si Camille na espesyal sa kanya si Gerardo. Magkasama sila noon sa Baguio noong mga musmos pa sila, pinagsasaluhan ang isang awiting: “ONE SUMMERTIME.” Ngunit nagkahiwalay sila ng landas. At sa nakalipas na sampung taon, tuwing babalik siya sa Baguio ay kasama niya ang awitin nila ni Gerardo. Hanggang sa magsanga ang landas nila ng band singer na si Jedd Gonzales, isang lalaking sobra ang lakas ng dating sa kanyang isip at puso. Upang matuklasan na si Jedd at si Gerardo ay iisa. At minsan pa, nagsalo sila sa isang summertime.

Remember Me Once More

Remember Me Once More

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Hearts Romances

ISBN: 

971-609-508-2

Si Meg – isang estudyante na may ordinaryong buhay, bahagi ng isang normal at masayang pamilya. Matalino, matino at nakatitiyak sa nais gawin sa buhay. Hanggang sa makilala niya si Joshua... Puzzle sa kanya ang lalaki. Negatibo ang impression dito ng marami dahil sa kakaiba nitong pananaw – dominant, critical and radical. A bad influence na dapat niyang iwasan. Pero may kakaiba itong pang-akit sa kanya. Maliban sa misteryo ng pagkatao nito ay ang looks nitong nagpapa-irregular sa pintig ng kanyang puso. Deep penetrating eyes, a sexy hip, and well-rounded buttocks.