Skip to main content

King Of My Heart

King Of My Heart

Read This Book Online

Ang sabi ni Gwen, gusto niyang gawing project si Brad para maging king of her heart. “Gusto kong bihisan ka na mukhang bad boy. Gawin nating flat tops ang buhok mo, complete with dye and gel. Naka-leather vest ka lang at kita ang dibdib mo. Leather pants with matching Outback boots. Complete accessories of silver chains and rings. Tapos nakasakay ka sa big bike. May hikaw ang ilong at dila. Whoa, Brad! Papa material ka na sa akin pag nagkataon!” Pero naglalaro pa lang sa isip ni Brad ang larawan, gusto na niyang maduwal.

Kung Sa Buhay Ko'y Wala Ka

Kung Sa Buhay Ko'y Wala Ka

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-040-3

Nagbalik kay Piel si Gabriel. Nagbalik matapos siyang bigyan ng sanlibo’t isang pasakit at mga kabiguan. Mga dahilan upang lumusong siya sa putik ng pagkakasala. Ngayon pa ba niya tatanggapin si Gabriel? Ngayong may isang James na nagbibigay-liwanag sa madilim niyang landas? At nalantad ang isang lihim. Si James ay ang uri ng lalaking nilililok ni Piel sa kanyang isipan. Isa itong nakabalatkayong hiwaga na tumatakas din sa isang kahapon na aninong sumususunod dito ngayon! Sino ang higit na kailangan ni Piel sa kanyang buhay?

Love Team Pa Ba Tayo

Love Team  Pa Ba Tayo

Read This Book Online

Print Publisher

PinoyPub

"Labas tayo mamayang gabi kung free ka," yaya nito.

"S-sige."

"Seven PM sharp."

Maalaala Mo Kaya: Agiw

Agiw

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

ABS-CBN Publishing

ISBN: 

971-816-008-6

Ang Ate Gina niya, iniwan ng nobyo. Nasira ang buhay. Ang Kuya Marcelo niya, hindi natuloy mag-abroad. Nagastos nito sa pambababae ang perang gagamitin sana. Ang Itay niya, may tinaga! Dahil binabastos ang kanyang ina. At si Bob…unti-unti niyang nararamdaman ang paghihimagsik. Lagi siyang inaapi. Dahil mahina siya. Ngayon, kinukutya ang kanyang pamilya. Hindi na niya kaya…Hindi na! At hinubad ni Bob ang maskarang nagtatakip sa tunay niyang katauhan.

Maalaala Mo Kaya: Aquarium

Aquarium

Read This Book Online

Print Publisher

ABS-CBN

ISBN: 

971-816-005-1

Dating tahimik ang buhay ni Cernon. Marami siyang pinagkakakitaan. May sarili siyang bahay at sasakyan. Maayos ang takbo ng mga negosyo niya. Sa tingin niya, he’s heading for the bigtime. Bukod doon. May nobya siyang naghihintay na lang kung kailan papayag na pakasal sila—si Meg.

Ngunit dumating sa subdibisyong iyon si Rora.

Prangka! Mapusok!

Hindi nahihiyang sabihing in-love ito sa kanya!

At natuklasan niya, hindi na tulad ng dati ang ikot ng kanyang mundo…

Maalaala Mo Kaya: Cross Stitch

Cross Stitch

Read This Book Online

Print Publisher

ABS-CBN

ISBN: 

971-816-011-6

Nag-inuman nang gabing iyon sina Dennis at Miguel. Selebrasyon dahil si Dennis ang pinili ni Leonor na pareho nilang minahal. Sabi ni Miguel, patunay lang iyon na sport siya sa naging desisyon ng dalaga.

Umaga na nagising si Dennis. Sa harap ng bahay nina Anna pala siya nakatulog. Hindi na niya matandaan ang nangyari.

Nagbuntis si Anna.

Si Dennis ang tinuturong ama!

Ang problema—abnormal si Anna!

Nahaharap si Dennis sa isang sitwasyon… Kung alam lang niya ang tunay na naganap nang gabing mag-inuman sila ni Miguel!

Maalaala Mo Kaya: Fishball

Fishball

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

ABS-CBN Publishing

ISBN: 

971-93035-8-1

 Si Leslie na yata ang pinakamabait na ate na nakilala ni Ian. Sa kapatid, hindi na niya kailangan humingi. Kusa itong nagbibigay.
Minsang-minsan lang ito humiling sa kanya. At para kay Ian, para na ring hiniling ni Leslie ang kanyang kamatayan…

Gusto nitong hiwalayan niya ang nobyang si Imee dahil sa isang mababaw na dahilan. Mahirap lang ang dalaga. Tindera lang ng fishball. Hindi raw ito bagay sa kanya.

Maalaala Mo Kaya: Popcorn

Popcorn

Read This Book Online

Print Publisher

ABS-CBN

ISBN: 

971-93035-1-4

Lahat ng magagandang katangian ay nakita ni Maya kay Earl. Isang bagay lamang ang pumipigil sa kanya upang mahalin ito. Malapit na siyang magtungo sa United States.

Ngunit gumawa si Earl ng isang marahas na hakbang.

Sumira iyon sa magandang pagtitinginan nilang mag-ina.

At kailangan niyang magdesisyon.

Kahit tama…

Kahit mali!

Maalaala Mo Kaya: Scooter

Scooter

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

ABS-CBN

ISBN: 

971-816-015-9

Bagung-bago at top of the line ang scooter ni Leo. Matagal niyang pinag-ipunan ang ipinambili ng sasakyang iyon. Unang araw, ginamit ni Kate ang kanilang investment. Aksidente, nakabangga ito. Nabago ang takbo ng buhay nila dahil sa aksidenteng iyon. Ang scooter niya ay naging target ng maraming anyo ng kasakiman. Saka naman may ibinalita sa kanya si Kate. Buntis ito. At para sa kanya, mas mabigat pa iyon kaysa sa problemang dulot ng scooter. Ayaw niyang maging ama…

Maalaala Mo Kaya: Walkman

Maalaala Mo Kaya: Walkman

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

ABS-CBN Publishing

ISBN: 

971-816-003-5

Umpisa pa lang, alam na ni Jessica na may itinatagong lihim si Troy. Isang madilim na lihim. Ngunit nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya, natuklasan niyang katulad din lang siya ng ibang babae. Bulag at bingi sa pagsunod sa tibok ng puso. Ang tanging pinanghahawakan niya, ang pangako ni Troy. Magbabago raw ito. Para sa kanya. Para sa kanilang relasyon. Minsan-minsan lang siya nakinig sa walkman na bigay nito sa kanya. Sa babaing espesyal sa akin, sabi nga nito. At ang musikang narinig niya, tumutumbok pa sa kanilang sitwasyon. Hanggang sa maganap ang isang trahedya.