Skip to main content

Magpakatotoo Ka, Sweetheart

Magpakatotoo Ka, Sweetheart

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

18 Karat Romance

ISBN: 

971-633-386-2

MALAPIT nang sagutin si Francis ni Teri. Sabi nga nito, gusto lang daw niyang matiyak kung honest ang binata sa feelings nito sa kanya. Naisama ni Francis sa boarding house niya si Teri. Saka naman umeksena si Demi - ang dalagang pamangkin ng landlady niya at numero unong kontrabida sa buhay niya. Hinalikan siya nito. At tinawag na sweetheart sa pagkakabigla ni Teri. Paaano niya maipapaliwanag kay Teri na ginu-goodtime lamang siya ng dalagang aminadong may crush sa kanya? Makikiusap ba siya kay Demi na sabihin kay Teri na joke lang ang ginawa nitong paghalik sa kanya?

May Nagmamahal Sa'yo

May Nagmamahal Sa'yo

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-914-0

Nagkatagpo sina Dulce at Francis sa tamang panahon ngunit maling pagkakataon. Sa maikling sandali, naramdaman nila ang pangangailangan sa isa’t isa. Pangangailangan sa kaso ni Dulce dahil hindi niya matiyak kung pagmamahal nga ang nararamdaman niya sa binata. Sa sitwasyon niya, kailangan niya ng isang balikat na maiiyakan. Dumating si Francis sa buhay niya na may sugat pa ang kanyang puso na nilikha naman ni Ricky, ang lalaki sa buhay niya. Pangangailangan din sa panig ni Francis.

May Sukatan Ba Ang Pag-ibig?

May Sukatan Ba Ang Pag-ibig?

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Diamond Romance

ISBN: 

971-631-120-6

Ilang beses nang minamalas sa pag-ibig si Maya. Para bang hindi na siya makakakita ng lalaking para sa kanya. Sa panonood niya ng isang TV show, naapektuhan siya ng topic ng problema. Baby making! Isang pilyang ideya ang pumasok sa isip niya. Ano kaya kung mag-anak na lang siya kahit walang asawa? Problema naman niya ang lalaking hihingan ng anak. Ayaw naman niyang basta na lang dumampot kung saan. Kailangan, gusto rin niya ang lalaking mapipili niya. Nakilala niya si Brix at naakit siya rito.

Mula Noon Hanggang Ngayon

Mula Noon Hanggang Ngayon

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Emarija Publishing

ISBN: 

971-631-115-X

MALAYO na ang ayos at hitsura ni Edna kumpara sa huling pagkakataon na nakita ni Alex ang dating nobya. Higit itong gumanda. Kaakit-akit. Minsan pa, dala nito ang karismang umaakit sa kanya. Mahabang panahon na ang lumipas. At kahit may poot sa kanyang dibdib sa babaing nagwasak ng kanyang puso, natuklasan ni Alex na hindi ito ganoon kadaling tanggihan. Gaya pa rin nang dati. Kayang paikutin ni Edna sa kanyang mga palad.

My Pretty Photobomber Book 1

My Pretty Photobomber Book 1

Read This Book Online

Print Publisher

PinoyPub

Book 1...

My Pretty Photobomber Book 2

My Pretty Photobomber Book 2

Read This Book Online

Print Publisher

Pinoy Pub

Book 2...

Okey Ka Lang, Mahal?

Okey Ka Lang, Mahal?

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Pacyno Publishing

ISBN: 

971-633-329-3

“DUMATING na siguro tayo sa hangganan, Mike. hanggang dito na lamang siguro tayo. I’m calling it quits!” “Fine with me,” walang gatol na tugon ni Mike. “Nag-aaksaya lang ako ng oras sa iyo. Hindi ko nga malaman kung bakit nagtitiyaga ako sa iyo, e, ang dami-dami namang nagpapakamatay sa akin. Pero hindi bale,” ngumiti ito ng pasarkastiko, “siguro nama’y na-enjoy mo rin ang mga panahong kasama ako. Dagdag na credentials mo ang naging siyota ka ni Mike Anzon. Sikat ka ngayon sa campus, e.

Pag-ibig... Maaari Bang Magtanong?

Pag-ibig... Maaari Bang Magtanong?

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Den-Mar Publishing Corp.

ISBN: 

971-634-055-9

Hindi nakakibo si Bob sa diretsahang pahayag ng ina ni Christmas.

“Ano ba’ng pakialam ko kung ang magiging manugang ko man ay halos kasing-edad ko na? Basta ba mahal ng anak ko. Ang hindi ko lang pahihintulutan ay ang mapariwara si Christmas. Now, Mr. Gardiola...kung gusto mong lumawig ang relasyon natin as my future son-in-law, tell me frankly. May asawa ka na ba o wala pa?”

Passion Digest 1

Passion Digest 4272015

Read This Book Online

Print Publisher

PinoyPub

...Passion stories!!!

...Real news!!!

Passion Digest 2

Passion Digest 2

Read This Book Online

Print Publisher

PinoyPub

...Passion News!!!

...Real News!!!