Skip to main content

Sabihin Mo Sa Akin Ang Iyong Pangarap

Sabihin Mo Sa Akin Ang Iyong Pangarap

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

KATULAD ng ibang mabait na anak, maraming pangarap si Olivia para sa kanyang mga magulang. Mga pangarap na hindi maalis sa isip niya kaya wala siyang panahon para sa pag-ibig na iniaalok ni Raymond. Hindi maibigay ng binata ang mga pangarap na iyon. Lumuwas si Olivia ng Maynila at nakilala niya si Pablo. Naramdaman niya, ang lalaki ang magiging susi para sa hinahangad niya. Tinanggap niya ang pag-ibig ni Pablo na labis na ikinabigo ni Raymond. Ngunit ang masakit, hindi niya lubusang kilala si Pablo.

Subukan Mo Akong Mahalin

Subukan Mo Akong Mahalin

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

18 Karat Romance

ISBN: 

971-633-344-7

Paano kung ang babaing minamahal mo ay galing sa isang magulong pamilya. Hiwalay sa ama’t ina, may ate na imoral, may kuya na sugarol na ay adik pa. Mamahalin mo pa rin ba siya? At paano kung ikaw ang babaing ito? Hindi ka ba natatakot magmahal sa lalaking alam na alam ang pagkatao ng iyong pamilya? Kasaysayan ito ng dalawang pusong ngayon lang pinupukaw ng hiwaga ng pag-ibig. Nakapagitan sa kanila ang isang pader na mahirap tibagin. Nagtatagumpay ba ang pag-ibig kapag ito ay may kulapol ng maraming putik ng lipunan?

The Criminal's Daughter

The Criminal's Daughter

Read This Book Online

Print Publisher

PinoyPub

Napanganga si Jam. Napatingin sa kanya.

Kapagkuwa’y yumuko ito. “Nagbibiro ka...”

“Totoo ‘yun, Jam. I like you the first time i saw you. Like na nauwi sa love.”

Unang Nawala Ang Mga Pangarap

Unang Nawala Ang Mga Pangarap

Read This Book Online

Publish Date: 

1997

Print Publisher

Diamond Romance

ISBN: 

971-631-060-9

Ang unang kabiguan ni Portia ay naganap sa mga kamay ni Hans. Isinangla niya rito ang lahat-lahat kasama na ang kanyang dangal. Nang may mabuo sa kanyang sinapupunan saka niya natuklasan ang isang masakit na katotohanan. May asawa na ito! Sa mga panahong gulo ang kanyang isipan ay nakatagpo siya ng pansamantalang kanlungan sa katauhan ni Jeff; isang mabuting Samaritano na handang tumulong sa mga nangangailangan. Dahil sa kabaitan nito, natuklasan ni Portia na muli na naman siyang umiibig. Ngunit paano? Hindi na siya malinis. Bukod doon, mukhang siya lang ang may damdamin kay Jeff.