Skip to main content

Abakada Ng Pag-ibig: Krizha

Abakada Ng Pag-ibig: Krizha

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-974-4

Powerful. Sexy. Seductive. Iyon ang mga katagang madalas gamitin sa paglalarawan kay Krizha. Nakasanayan na ng matagumpay na advertising executive ang kaalamang pinagpapantasyahan siya ng karamihan sa mga lalaki. Pero may lihim ang dalaga. Pakitang-tao lang ang kanyang senswalidad. Ang totoo, siya’y frigid. Walang kakayahang tumugon kaninumang lalaki. Iyon ang akala niya. Hanggang sa makilala niya si Gabriel.

Abakada Ng Pag-ibig: Lorraine

Abakada Ng Pag-ibig: Lorraine

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-984-1

Kahit malayo sa Maynila ang Paraiso, kumpleto si Lorraine sa lahat ng romance novel ng paborito niyang awtor na si Dana Amor. Katugma kasi ng isinusulat nito ang mga pangarap at pantasya ng kanyang puso. Pero nagulat ang dalaga nang dumating sa Paraiso ang nobelista at nalaman niyang ito pala sa tunay na buhay ay si Adan Amor – guwapo, makisig, pilyo at walang inhibisyon. Parang biglang nabigyang-buhay ang mga secret fantasies ni Lorraine.

Abakada ng Pag-ibig: Monique

Abakada ng Pag-ibig: Monique

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-999-X

Dare! Iyon ang sinabi ng pintor na si Kino. Nahamon naman si Monique. Pinangatawanan nga niyang maging modelo para sa nude painting nito. Palibhasa’y nagdalaga sa pangangalaga ng kumbento, sabik na sabik siyang makaalpas mula sa kinalakhang mga limitasyon. Lahat ay gusto niyang subukin. Pero bakit si Kino naman ngayon ang kinakabahan? Bakit nakadarama na ang binata ng pangangailangang protektahan si Monique? Ayaw na nga nitong ipakita kahit kanino ang mga nude painting ng dalaga.

Abakada Ng Pag-ibig: Niandra

ABAKADA NG PAG-IBIG: NIANDRA

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-997-3

Sikat na sikat si Niandra bilang sexy comedienne. Sosyal ang mga manonood ng kanyang mga show sa mga five-star hotels. Pero nang umibig ang dalaga sa herederong si Matt, hinamak siya ng alta sosyedad at tinawag na social climber. Hindi raw nababagay sa sirkulong iyon ang isang entertainer. Paglalaruan lang daw siya ng binata. Nasaling ang pride ni Niandra. “Nakikipaglaro lang din naman ako sa kanya,” taas-noong sagot niya sabay halakhak. Kahit lumuluha ang kanyang puso.

Abakada ng Pag-ibig: Odette

Abakada ng Pag-ibig: Odette

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-023-3

Nangangarap si Odette ng isang typical romance novel hero – misteryoso, maporma, mapangahas, exciting. Ang problema’y wala naman yatang ganoong binata sa bayan ng Paraiso. Bata pa siya’y kilala na niya si Ben. Responsable, masipag, mabait, tahimik. At sa palagay ng dalaga, boring. Paano matatapatan ni Ben ang mga kathang-isip na pantasya ni Odette?

Abakada ng Pag-ibig: Paula

Abakada ng Pag-ibig: Paula

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-035-7

Hinahangaan si Paula sa kanyang galing sa paglikha ng mga male nude sculpture. Sanay siyang sumipat ng lalaking maganda ang pangangatawan. Balewala na sa kanya ang mga modelong walang saplot. Pero nang kinomisyon siya ng milyonaryong binatang si Richard para igawa ito ng nude sculpture, kinabahan ang dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang hindi siya makatingin sa kanyang modelo. At nanginginig na yata ang kanyang ekspertong mga kamay.

Abakada ng Pag-ibig: Queenie

Abakada ng Pag-ibig: Queenie

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-043-8

WALANG pakialam si Queenie sa sinasabi ng iba. Balewala sa dalaga kahit natitsismis siyang golddigger dahil sa pagiging malapit sa biyudong si Don Jose Del Oro. Pero nang kumprontahin siya ng anak na binata ng don, napikon si Queenie. Lalo pa dahil kay Joed naman talaga siya may gusto. Paano niya ngayon babaguhin ang mga mali nitong akala?

Abakada ng Pag-ibig: Rhianna

Abakada ng Pag-ibig: Rhianna

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-044-6

FIVE years ago, sa Colegio del Paraiso, hinamak ni Rhianna ang suitor niyang si Anto. Akalain ba naman niyang isang araw ay magiging boss niya ito sa Makati? At kung kalian naging very professional na lamang ang pakikitungo sa kanya ng binata ay saka pa na-in love si Rhianna kay Anto. Gusto niyang patunayan na mahal pa rin siya nito sa likod ng nasaktang pride. May naiisip siyang pilyang paraan. But will she dare?

Abakada ng Pag-ibig: Shaira

Abakada ng Pag-ibig: Shaira

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-076-4

MALIIT pa si Shaira ay nakilala na bilang gifted child. Isang genius. Kaya naman sa kanyang pagdadalaga, ang hinahangaan lang niyang mga lalaki ay iyong mga pinakamagagaling sa akademya. Hanggang sa makilala niya ang construction contractor na si Jigger - isang college dropout na umasenso sa pamamagitan ng self-study, pagsisipag at pagiging street smart. Napakarami palang maituturo ni Jigger na hindi pa alam ni Shaira.

Abakada ng Pag-Ibig: Tatiana

Abakada ng Pag-Ibig: Tatiana

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-110-8

TOMBOY ang madalas na bansag kay Tatiana palibhasa’y mahilig siya sa sports at medyo maypagkasiga pa. Pero nang makilala ni Tatin si Roy, biglang feeling girl na girl ang dalaga. Trying hard tuloy siyang maging very feminine and fashionable. Handa pa nga siyang magpanggap na super-hinhin, hindi makabasag-pinggan at masunurin. Huli na nang malaman niyang mas bilib pala si Roy sa mga babaeng down-to-earth, agresibo at magaling sa sports.