Skip to main content

Abakada ng Pag-ibig: Urielle

Abakada ng Pag-ibig: Urielle

Read This Book Online

Print Publisher

Book for Pleasure Inc.

 Herbolaryo ang tawag sa nanay ni Urielle sa bayan ng Paraiso. Herbalist naman ang tawag ng dalaga sa kanyang sarili. Pero fake healers ang turing sa kanila ni Dr. Aldrin Duran. Lalong napikon ang binatang cardiologist nang mismong ina nito'y kay Urielle nagpagamot -- at napagaling naman. Inimbestigahan tuloy ng doktor ang mag- ina. Pikon na pikon din si Urielle. Kaya ba niyang gamutin ang nasasaktan niyang puso?

Abakada ng Pag-Ibig: Virginia

Abakada ng Pag-Ibig: Virginia

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Book for Pleasure Inc.

MAHIYAIN si Virginia. Pakiramdam kasi niya, wala siyang binatbat sa kanyang mga kapatid na panay achievers. Ang hilig lang niya ay magsinop ng paligid, magluto at mag-alaga ng pamilya. Sa unang tingin, she has nothing in common with Pocholo Cuevas — isang agresibong binatang nagmamay-ari na ng sariling kompanya. Kaya nga sinisikreto ni Via ang kanyang special feelings para kay Cholo. Hindi nila alam na para silang magkabilang bahagi ng isang hugis-pusong two- piece puzzle — made only for each other.

 

Abakada ng Pag-Ibig: Wilhelmina

Abakada ng Pag-Ibig: Wilhelmina

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Book for Pleasure Inc.

NANG magbalikbayan ang kanyang Ninang Tamara, naging project nitong i-makeover si Wilhelmina. Kaya ang totomboy-tomboy na si Willy ay naging ang sosyal na si Whim. Masaya na sana ang dalaga sa kanyang bagong image, hanggang sa makilala niya ang pilyong si Karl. Natakot si Whim sa kanyang damdamin. Magtatago na lang yata uli siya sa katauhan ni Willy. Pero maililigaw ba niya si Karl?

 

Abakada Ng Pag-ibig: Xinia

Abakada Ng Pag-ibig: Xinia

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

High school senior si Xinia nang magkaroon ng matinding crush kay Banjo, pero iniwan siya nito sa gitna ng matinding kahihiyan. Kapwa professionals na sila nang muling magkita. This time handa na si Xinia. Kaya na niyang panghawakan ang kanyang damdamin. Or so she thought.

Abakada ng Pag-Ibig: Yasmeen

Abakada ng Pag-Ibig: Yasmeen

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Book for Pleasure Inc.

PANSAMANTALANG tinakasan ni Atty. Yasmeen Cuevas ang isang very successful yet highly stressful career para maghanap ng total relaxation sa Isla Amore. Nang makilala niya roon ang makisig na diver na si Rodan, she decided that he was the perfect guy for a sizzling hot summer fling — isang estrangherong walang kinalaman sa kanyang tunay na buhay. Nagkagulatan na lamang sila nang muling magkita sa Makati. Isa rin pala itong kilalang abogado at magkakasama pa sila sa iisang proyekto.

 

Abakada Ng Pag-ibig: Zareena

Abakada Ng Pag-ibig: Zareena

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

KILALA ang top model na si Zareena sa dalas niyang magpapalit-palit ng boyfriend. Para lang daw siyang nagpapalit ng outfit. Ang totoo’y naghahanap siya ng lalaking puwede niyang mahalin nang habambuhay. Ang problema, she always falls for the wrong man. Kaya naman ayaw na niya sa lalaking guwapo, maporma, masyadong matalino, may kayabangan at may pagkadominante. Pero ganitong-ganito si Emir. At paano kung sa pagkakataong ito, si Emir na nga kanyang Mr. Right?

At Nang Matutong Umibig

At Nang Matutong Umibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1996

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-653-2