Paano Ba Ang Magmahal
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Ang katulad ni Myra ay isang Cinderella na nangarap na mahalin ni Christian. Ang pangarap ay nangyari sa isang drama na kailangan nilang gampanan ng lalaki. Ngunit ang katotohanan ay may hatid na sakit dahil ang putik na pinagmulan niya ay labis na isinusuka ni Christian, at siya mismo ay pinandidirihan nito.
Sa Iyo Tumibok Ang Puso Ko
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
HALOS hindi pa rin makahinga si Romina sa tindi ng takot. Nalaman na lamang niyang nakakulong na siya sa mga bisig ni Jared at umiiyak sa dibdib nito. “Tahan na. Halika. Umalis na tayo sa lugar na ito.” Nang matiyak nito na nasa mga kamay na ng mga security guards ang mga lalaki ay inalalayan na siya nito palayo sa mga tao. “May dala ka bang kotse?” pagkuwa’y tanong nito. “Yes. Nasa parking.” “Okay, let’s use your car.” Naging sunud-sunuran siya rito.
Ganyan Kita Kamahal
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
It all started nang tamaan ni Laila ng bola ang nagdaraang si Melvin. Dahil nakasuot lalaki ay napatulan siya nito. Akalain ba naman ni Laila na makakaharap niyang muli ang kinaiinisang lalaki sa pangalawang pagkakataon, in a party, kung saan feminine na feminine naman ang dating niya. At mukhang attracted pa yata sa kanya si Melvin.
Hindi Na Sana Ikaw Ang Minahal
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Isang bank executive si Olivia na napaibig sa isang security guard lamang na si Alvin. Halos lahat ay naging tutol, kabilang ang kanyang mga magulang at kapatid, ngunit hindi siya napigilan ng mga ito na magpakasal sa lalaki.
Maligaya na sana siya sa piling ni Alvin kungdi nga lang ba ubod ito ng seloso at sinasaktan siya.
Hanggang sa siya ay mabuntis at magsilang nang wala sa panahon dahil hindi mapigilang pagseselos ng kabiyak. Dahil dito, siya ay tuluyan nang pinahiwalay ng mga magulang kay Alvin.
Puso Ang Magsasabi
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Minahal nang husto ni Patricia ang asawang si Aris at ang dalawa nitong anak. Mahal na mahal din ni Aris ang asawa ngunit natukso ito sa ibang babae. Dahil dito’y isinumpa ni Patricia na gagawin din niya ang ginawang pagtataksil ng asawa sukdang mawasak ang binuo nilang idolong pamilya. Para sa babae ay walang kapatawaran ang ginawa sa kanya ng kabiyak. Saan hahantong ang binabalak ni Patricia? Mabubuo pa kaya ang pagsasamang winasak ng karupukan?
Bakit Mahal Pa Rin Kita
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Sa kagustuhang umunlad ang kanilang buhay, ipinagtulakan ni Eliza na mag-abroad ang asawang si Ted sa kabila ng pagtutol nito. Habang nasa abroad si Ted, siya naman ay nalulong sa barkada at bisyo. Ang masakit pa, namatay ang anak nitong si Patrick dahil sa kapabayaan niya. Gayon na lng ang pagkasuklam ni Ted sa kanya. Nang magbalik ito sa Pilipinas, sa isang babaing nagngangalang Elena Dacanay na ito umuwi. Na napag-alaman niyang siyang kapalit sa puso ng kabiyak. Paano ba niya ipaglalaban ang kanyang karapatan gayong ang pagkasuklam sa kanya ni Ted ay suko hanggang langit?










