My Lovely Bride: Patrice & Benjo
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Magaling kumanta si Benjo, magaling ding mag-compose ng kanta, na labis na ikinakikilig ni Patrice. Kaya lang, nerd ang binatilyo! Guwapong nerd! Hindi niya inalintana ang sasabihin ng schoolmates niya sa pagkonsidera niya sa sariling girlfriend siya nito. Until “itatwa” siya sa mismong graduation day nila – at nasampal niya ito sa harap ng buong school. Umusad ang apat na taon na hindi man lang niya napagtanto kung bakit ganoon ang nangyari sa high school romance nila.
Somewhere, Forever...
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Anak ng labandera si Antonette, at naging best friend niya si Ivy, anak ng amo ng kanyang ina. Pero matalino siya, isang katangiang hindi maagaw sa kanya ni Ivy. Mula elementarya hanggang kolehiyo, nakamit niya ang pinakamataas ng karangalan. Ngunit sa paglipas ng panahon, naging magkaribal sila ni Ivy kay Vince. Anak-mayaman, guwapo; halos lahat ng katangian nito ay kababaliwan ng isang babae sa isang lalaki. Ginamit ni Ivy ang lahat upang mapaibig ang binata.
To Love You Again
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Six years ago ay deeply involved sa isa’t isa sina Maureen at Chris. Ngunit dahil sa mga insurmountable odds sa pagitan nila ay napilitang mawalay ang matinding damdamin nila para sa isa’t isa. Ngayon ay isa nang malaking kabaliwan para kay Maureen ang makipagbalikan pa sa dating kasuyo. Pero nang muli niyang madama ang mapusok nitong halik ay napagtanto niyang mas malaking kabaliwan ang ipagkait dito ang karapatan nito sa kanya. Dahil simula’t sapul ay si Chris ang tanging lalaking itinitibok ang kanyang puso... at kahit kailan ay handa siyang mahalin ulit nito...
Dreamin' Of You
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Mga bata pa lamang sila ay kaaway na ni Leilani si Lester. Pilyo kasi ito at madalas siyang pinapaiyak. Ang kakambal nitong si Chester ang palaging masuyo sa kanya, ang nagpapahalaga sa damdamin niya. Masisisi ba si Leilani kung si Chester ang pangarapin niyang maging partner sa buhay? Bigla, sabay na nawala sa buhay niya ang kambal. Bigla, sabay ring nagbalik. At nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Leilani. Naging boyfriend niya si Chester. Saka naman nalito si Leilani. Bakit si Lester ang nakapagpapabilis sa tibok ng kanyang puso?
When Forever Comes...
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Aksidenteng nakilala ni Kristin si Jules, na tumatakas mula sa isang arranged wedding. Dahil ultra independent at liberated ay nagawa niyang patirahin ang guwapo at simpatikong binata sa condo unit niya – at tinuruan itong maging malaya at makilala ang tunay na sarili’t damdamin.
Then romance blossomed.
Tinanggap niya ang yakap at halik nito, ngunit hindi ang alok nitong kasal. Tinanggap niya ang pag-ibig nito, ngunit hindi ang pangako nitong magsasama sila forever.
Dahilan para lumayo ang binata.
Lanie Loves Junie
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Best of friends sina Lanie at Junie. Mula pa sa pagkabata, sila na ang magkasama sa lahat. Wala pa silang mga pangarap noon. Ngunit nag-iwan ng pangako si Junie: Si Lanie pa rin daw ang babaing pakakasalan nito pagdating ng panahon. At umasa siya sa musmos na pangakong iyon ng kababata. Hanggang sa nagdalaga’t binata ang dalawa. Si Lanie, lumaking napakaganda; si Junie, tunay namang guwapo at makisig. At napukaw ang mga puso nila sa iba. Paano na ang musmos na pangako ng kanilang mga puso?
Kung Ikaw Ay Isang Panaginip
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Ideal man si Paul – mabait, responsable at higit sa lahat, matalino kaya naman scholar ito sa pinapasukan nilang private university. Bukod pa roo’y taglay nito ang kaguwapuhang wala yatang babae sa ibabaw ng lupa ang maaaring tumanggi.
And when the time came na umibig siya’t nasaktan sa una niyang pag-ibig ay naroon lamang ito upang aluin siya. Paul made her feel like a princess.
Hanggang aminin nitong hindi na best friend ang turing nito sa kanya. Na lahat ng mga ginagawa nito para sa kanya’y may kalakip na pagsuyo... pagmamahal.
One Summertime
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Naniniwala si Camille na espesyal sa kanya si Gerardo. Magkasama sila noon sa Baguio noong mga musmos pa sila, pinagsasaluhan ang isang awiting: “ONE SUMMERTIME.” Ngunit nagkahiwalay sila ng landas. At sa nakalipas na sampung taon, tuwing babalik siya sa Baguio ay kasama niya ang awitin nila ni Gerardo. Hanggang sa magsanga ang landas nila ng band singer na si Jedd Gonzales, isang lalaking sobra ang lakas ng dating sa kanyang isip at puso.
Hey, Jude!
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Hey, Jude! Don’t be afraid; You were meant to go out and get her... Magkasama sina Angelin at Jude na narinig ang awitin na iyon. “Ako iyon, ah. Huwag daw akong matakot.” “Matakot saan?” tanong niya kay Jude. “Matakot sa pangarap. Mangarap sa piling mo.” Nakakatakot mangarap sa piling ni Angelin. Anak siya ng amo ni Jude. Pinag-aral lang ang lalaki ng pamilya niya; at ang kapalit ng lahat ay ang lihim nilang pagmamahalan. Remember to let her into your heart Then you can begin to make it better...













