Langit Ang Magdidikta Sa Puso
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Walang intensiyon si Darren, tagapamahala ng isang advertising agency na magtangi sa isang may-sabit na. Ngunit nang kuning modelo si Millett, na noon ay may sakit, napilitan si Darren na ihalili ang look-alike nitong ate, si Tessa. Noon nasira ang intensiyon ng binata. Napaibig siya sa babaing sumumpa na ng habambuhay na debosyon sa Kanya. Isang Madre si Tessa o Sister Teresa. Ayaw karibalin ni Darren ang kinatatalian ng babaing kanyang sinasamba. Aasa na lamang siya sa ididikta ng langit para sa kanilang dalawa.
Ayaw Ng Puso Sa Isa Pang Minsan
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Goodtime, malinis na goodtime, ang dinayo sa nightclub ni Don Alfonso Paredes kasama si Chris, ang batang-batang apo. Ang receptionist na nag-entertain sa huli ay si Faith Ferrer. Accountant ang dalaga sa araw. Gayunman, nagbunga ng di-maganda ang minsang pag-sideline ni Faith sa Club. Saka nakatagpo ni Faith si Zephyr, ang 30-anyos na biyudong ama ni Chris. Tumibok ang puso ng dalaga sa paraang hindi pa niya nararanasan kahit kailan. Pero muli: ang hapdi, ang kirot, ang pagkabigo. Ang paniwala kasi ni Zephyr ay isa siyang basta-basta, isang mumurahing goodtime girl.
Ang Babaing Hindi Dapat Mahalin
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
MABIGAT ang krimeng panggagahasa. Lalo kapag nalantad, kasiraang puri iyon sa dalawang sangkot: sa naghabla at inihabla na sa kasaysayang ito ay sina Raelene at Erwin. Subalit ang totoo’y walang pamimilit na naganap sa dalagita. Kusa niyang isinuko sa binata ang pagkababae. Kaso’y nagkataong ang stepfather ng dalagita’y mukhang salapi na nakasilip ng butas para magkapera. Ano ang mangyayari sa relasyong nabuo sa tamis ng magkatugong pag-ibig? Kaya bang tiisin ni Raelene ang mga kasunod na pagdurusa dahil sa abot-langit na pagkapoot sa kanya ni Erwin?
Kung Kailangang Masaktan Ang Puso
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
BANAYAD na inihaplos ni Lorenz ang kanyang sarili kay Ninia. Ayaw niyang masaktan ang dalaga kaya ganoon kaingat ang binata. Ngunit gusto na ni Ninia na masaktan. Alam niyang natitiis iyon. Baka nga hindi niya indahin ang kirot. Daig pa niya ang nakalutang sa ulap habang unti-unting tinutuklas ni Lorenz ang landas patungo sa langit...
Habang Naririto Ang Ngayon
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Napalagay si Maritess sa masalimuot na sitwasyon: nagkaanak siya ng hindi niya anak at nagkaasawa – sa turing lang naman – ng lalaking hindi niya mahal. Ang una’y kagagawan ng malditang anak ng kanyang amo; ang huli’y minaniobra ng landlady na gustong i-match ang pamangking si Reinante sa dalaga. Paano makakalusot si Marites sa kumplikasyong ito?
At ano ang mangyayari sa kanila ng naka-love at first sight na si Cedric? O sa kanila ni Reinante na tipong enjoy habang pinapapel ang pagiging “asawa” ng dalaga?
Kapalit Man Ay Langit
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Nang i-troubleshoot ni DEBBIE ang ‘Dear Tita Rose’, ang naging resulta ay kawing ng pagbabago maging sa relasyon nila ng nobyong si ARTHUR. Ngunit nang magkaroon ang dalaga ng sariling advice column, ang ‘Dear Debbie’, naghabulan ang mga sumunod na intriga at kumplikasyong kinasangkutan pati ng mayamang si THEO. Marami ring buhay ang nabulabog dahil sa ilang ipinagkaloob na payo. Sa bandang huli’y kinailangang payuhan ni Debbie ang sarili para makamit ang kanya mismong kaligayahan.
My Estee
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Tipikal ang sitwasyon ng sixteener na si Estee. She couldn’t feel what’s there in her heart habang nasa tabi si Jojo na friend lamang ang turing niya. Ang hindi tipikal ay ang pagkakaroon niya ng foreigner na stepfather at mommy na gusto siyang makipag-on sa isang 21-year old Australian na si George!
Tago Nang Tago (Around the World)
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
Ang drama sa buhay ni Tina noong siya’y 18-years old pa lang ay ang kagustuhan niyang siya ang magbigay ng ginhawa sa kanyang pamilya sa halip na umasa lagi sa padalang pera ng mga kapatid sa abroad ng tatay niya. Nag-abroad siya. Palpak agad. Naloko na siya ng recruiter, nabilibid pa siya sa Italy. Pero hindi siya nadala. Nag-abroad uli siya. Sa Japan naman. After five months, TNT ang labas niya. Eight years siyang naging illegal worker. Nakarating siya sa iba’t iba pang bansa. Iyon nga lang, tago siya nang tago dahil peke ang mga papeles niya.
Bakit Hangal Ka, Puso?
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
MAY mga babaing puro totoo lang ang ibig marinig mula sa bibig ng nobyo. May mga babae namang mas maligaya sa katipan na todo kung mangako gaano man iyon kahungkag sa bandang huli. Tulad ni Analyn. Nanangan siya sa magagandang pangako ni Freddie sapagkat si Elmer, mula’t sapul, ay pulos totoo lang ang sinasabi. Kaya kahit inilagay na si Analyn ni Elmer sa maayos na buhay, na kay Freddie pa rin ang kanyang puso. Kay Freddie na puro pangako lang at ubod pa ng sinungaling. May mga babaing hangal at mayroon ding saksakan ng hangal – Tulad ni Analyn!
Your Cheating Heart (Part 2 of My Foolish Heart)
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
IBANG-IBA nga ang itinakda ng tadhana para kay Larissa pagkaraan ng 10 taon niyang ipinagtrabaho sa abroad. Una ay ang marriage proposal ni Owen Hamilton, ang dati’y 11-anyos na batang inalagaan niya at ngayon ay binata na. Ikalawang itinadhana ay ang makapartner siya ni Leo Aragon sa pagtataksil sa girlfriend nitong si Margie. Anak itong huli ng bagong amo ni Larissa.














