King Of My Heart
Read This Book Online
By
Ang sabi ni Gwen, gusto niyang gawing project si Brad para maging king of her heart.
“Gusto kong bihisan ka na mukhang bad boy. Gawin nating flat tops ang buhok mo, complete with dye and gel. Naka-leather vest ka lang at kita ang dibdib mo. Leather pants with matching Outback boots. Complete accessories of silver chains and rings. Tapos nakasakay ka sa big bike. May hikaw ang ilong at dila. Whoa, Brad! Papa material ka na sa akin pag nagkataon!”
Pero naglalaro pa lang sa isip ni Brad ang larawan, gusto na niyang maduwal.
Ang Babaing Walang Puso
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
SA pagbabalik ni Trisha sa kanilang asyenda sa Bacolod, matapos ang mga kabiguang dinanas niya sa Maynila na may kinalaman sa kanyang career, naiwan niya sa roon ng kanyang nobyong si Chuck. Nagkalapit naman sila ng kanyang kababata at maituturing na childhood sweetheart na si Mark.
Isang trahedya ang naganap sa kanilang pamilya at kinukutuban siyang may kinalaman doon ang kababata. Ang dating hindi makabasag-pinggan na dalaga ay naging tila isang tigre sa bangis at lupit. Sabi nga ni Mark, wala itong puso.
Iyon din ang obserbasyon sa kanyang marami. Maging ni Chuck.
Kung Sa Buhay Ko'y Wala Ka
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Nagbalik kay Piel si Gabriel. Nagbalik matapos siyang bigyan ng sanlibo’t isang pasakit at mga kabiguan. Mga dahilan upang lumusong siya sa putik ng pagkakasala. Ngayon pa ba niya tatanggapin si Gabriel? Ngayong may isang James na nagbibigay-liwanag sa madilim niyang landas? At nalantad ang isang lihim. Si James ay ang uri ng lalaking nilililok ni Piel sa kanyang isipan. Isa itong nakabalatkayong hiwaga na tumatakas din sa isang kahapon na aninong sumususunod dito ngayon! Sino ang higit na kailangan ni Piel sa kanyang buhay?
Okey Ka Lang, Mahal?
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
“DUMATING na siguro tayo sa hangganan, Mike. hanggang dito na lamang siguro tayo. I’m calling it quits!” “Fine with me,” walang gatol na tugon ni Mike. “Nag-aaksaya lang ako ng oras sa iyo. Hindi ko nga malaman kung bakit nagtitiyaga ako sa iyo, e, ang dami-dami namang nagpapakamatay sa akin. Pero hindi bale,” ngumiti ito ng pasarkastiko, “siguro nama’y na-enjoy mo rin ang mga panahong kasama ako. Dagdag na credentials mo ang naging siyota ka ni Mike Anzon. Sikat ka ngayon sa campus, e.
Unang Nawala Ang Mga Pangarap
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Ang unang kabiguan ni Portia ay naganap sa mga kamay ni Hans. Isinangla niya rito ang lahat-lahat kasama na ang kanyang dangal. Nang may mabuo sa kanyang sinapupunan saka niya natuklasan ang isang masakit na katotohanan. May asawa na ito! Sa mga panahong gulo ang kanyang isipan ay nakatagpo siya ng pansamantalang kanlungan sa katauhan ni Jeff; isang mabuting Samaritano na handang tumulong sa mga nangangailangan. Dahil sa kabaitan nito, natuklasan ni Portia na muli na naman siyang umiibig. Ngunit paano? Hindi na siya malinis. Bukod doon, mukhang siya lang ang may damdamin kay Jeff.
Karen Po... Hindi Gina
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Chico Gamaliel lives in the fast lane. Kasalamuha niya ang mga rich and famous sa lipunan. Maging ang uri ng kanyang libangan ay para lang sa moneyed few. Hindi mabilang ang dami ng mga babaing pinaglaruan niya sa kanyang mga palad. Then a nasty incident happened. Pakiramdam ni Chico ay pinagtampuhan siya ng mundo. Saka muling nagpakita ang mysterious girl na si Gina na laging nagpi-flirt sa kanya at nagbigay ng isang offer na sabi nga nito ay hindi kaya ni Chico na i-resist. Tinanggap ni Chico ang offer. Saka niya natuklasan… may itinatago sa kanya si Gina.
Sa Facebook Ba Kita Hahanapin?
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
FIRST time humanga ni Ever sa opposite sex sa katauhan ni Clarita, ang dalagitang mala-Miley Cyrus ang porma at ganda na nanirahan sa kanilang baryo kung saan nagtayo ang pamilya nito ng isang farm. Right there and then ay ramdam kaagad niya ang atraksyon sa pagitan nilang dalawa—sa kabila ng kanilang age gap. Sa gitna nang pangangarap ni Ever na sana ay maging sila ni Clarita ay naramdaman niyang may crush din dito ang pinsan niyang si Jomari na sobrang close niya.
Mula Noon Hanggang Ngayon
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
MALAYO na ang ayos at hitsura ni Edna kumpara sa huling pagkakataon na nakita ni Alex ang dating nobya. Higit itong gumanda. Kaakit-akit. Minsan pa, dala nito ang karismang umaakit sa kanya. Mahabang panahon na ang lumipas. At kahit may poot sa kanyang dibdib sa babaing nagwasak ng kanyang puso, natuklasan ni Alex na hindi ito ganoon kadaling tanggihan. Gaya pa rin nang dati. Kayang paikutin ni Edna sa kanyang mga palad. Paano niya titimbangin ang kanyang damdamin gayung may nagmamay-ari na ng kanyang puso na hindi naman iba sa babaing nagdulot sa kanya ng pait, mula pa noon hanggang ngayon.
Sabihin Mo Sa Akin Ang Iyong Pangarap
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
KATULAD ng ibang mabait na anak, maraming pangarap si Olivia para sa kanyang mga magulang. Mga pangarap na hindi maalis sa isip niya kaya wala siyang panahon para sa pag-ibig na iniaalok ni Raymond.
Hindi maibigay ng binata ang mga pangarap na iyon. Lumuwas si Olivia ng Maynila at nakilala niya si Pablo. Naramdaman niya, ang lalaki ang magiging susi para sa hinahangad niya. Tinanggap niya ang pag-ibig ni Pablo na labis na ikinabigo ni Raymond. Ngunit ang masakit, hindi niya lubusang kilala si Pablo.
Magpakatotoo Ka, Sweetheart
Read This Book Online
By
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
MALAPIT nang sagutin si Francis ni Teri. Sabi nga nito, gusto lang daw niyang matiyak kung honest ang binata sa feelings nito sa kanya. Naisama ni Francis sa boarding house niya si Teri. Saka naman umeksena si Demi - ang dalagang pamangkin ng landlady niya at numero unong kontrabida sa buhay niya. Hinalikan siya nito. At tinawag na sweetheart sa pagkakabigla ni Teri. Paaano niya maipapaliwanag kay Teri na ginu-goodtime lamang siya ng dalagang aminadong may crush sa kanya? Makikiusap ba siya kay Demi na sabihin kay Teri na joke lang ang ginawa nitong paghalik sa kanya?














