Skip to main content

Pag-ibig Sa Dibdib Ng Sierra Madre

Pag-ibig Sa Dibdib Ng Sierra Madre

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-247-2

Isang journalist si Linette. Na-assign siyang pumasok sa isang NPA camp para mag-interview. Hindi niya inaasahan na doon matatagpuan ang una at tanging pag-ibig sa katauhan ng isang rebelde – si Ka Jun. Pero magkaiba ang kanilang mundo. May kinabukasan ba ang pag-ibig na itong umusbong sa dibdib ng Sierra Madre

Tawirin Natin Ang Habang Panahon

Tawirin Natin Ang Habang Panahon

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-321-5

May kakaibang kakayahan si Aura na namana niya sa kanyang Lola Marra. Napapanaginipan niya ang kanyang nakaraang buhay sa isang mala-paraisong isla sa panahong tinawag na panahon ng tagsibol. May inibig siyang binata doon. Umibig sila nang tapat sa isa-isa. At sa kasalukuyang panahon, bibigyan sila ng tadhana ng isa pang pagkakataon na magkita at muling mag-ibigan. Ngunit nang matagpuan ni Aura ang kanyang soulmate na si Aries, inaangkin na ito ng kaibigan niyang si Penny. Magagawa ba ni Aura na saktan ang matalik na kaibigan?

Isinisigaw Ng Puso

Isinisigaw Ng Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-236-7

Hindi maipakita ni Ria ang kanyang damdamin kay Jed – ang ulilang kinupkop ng kanyang mga magulang – sa pangambang baka ang isukli nito sa kanya ay awa ay pagtanaw ng utang na loob. Hindi naman maipagtapat ni Jed kay Ria ang nadaramang pag-ibig dahil baka masabing labis na nitong sinasamantala ang kabutihan ng pamilya ng dalaga. Kailan at paano mabibigyan ng kaganapan ang pag-ibig na pilit isinisigaw ng kanilang mga puso?

Karugtong Ng Kahapon

Karugtong Ng Kahapon

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-224-3

Isang high school romance ang namagitan kina Pearl at Darwin, na nauwi sa masakit na paghihiwalay nang tumuntong sila sa college. Kapwa professionals na sila nang muling magkita. Mahal pa rin nila ang isa’t isa pero pareho silang mataas ang pride. Tuluyan na kayang maghiwalay ang kanilang mga landas o may pagkakataon pa bang magkaroon ng mas matamis na karugtong ang kanilang kahapon?

Mahal Pala Kita

Mahal Pala Kita

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-291-x

Hindi masikmura ng batambata at idealistic na si Ana ang pagturing ng boss niyang si Greg Guevarra sa maraming girlfriends nito na parang mga laruanlang. Bilang confidential assistant ng milyonaryong playboy, nagawan ng dalaga ng paraan na matauhan ang mga babaing iyon at mabulabog ang lovelife ni Greg, bagay na hindi nagustuhan ng binatang bohemyo. Si Ana ngayon ang gusto nitong turuan ng leksiyon. Pero iba ang kapwa nila matututunan sa huli nilang pagtutuos.

Hanggang Saan Ang Sukdulan?

Hanggang Saan Ang Sukdulan

Read This Book Online

Publish Date: 

1995

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-415-7

Nang umibig si Celine kay Albert, sinuway niya ang bilin ng mga magulang na huwag iibig sa isang mula sa mayaman at makapangyarihang angkan. Nang ipagkaloob niya ang sarili kay Albert, sinuway niya ang nakalakhang pamantayan sa moralidad. Pati ang batas ng tao at simbahan ay nilabag niya nang pakisamahan niya si Albert pagkatapos nitong makasal sa iba. Hanggang kailan at hanggang saan aabot ang mga kasalanan ni Celine sa ngalan ng pag-ibig?

Ikaw, Ngayon At Sa Lahat Ng Bukas

Ikaw, Ngayon At Sa Lahat Ng Bukas

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-308-8

Magkababata sina Isay at Dodo. Nang magdalaga at magbinata ay natuto silang umibig sa isa’t isa. Pero biglang nagpakasal si Dodo sa anak ng taong nagpaaral dito sa kolehiyo. Sa matinding sama ng loob, nagpakasal na rin si Isay kay Fred – ang mayamang matandang binata na siyang nagmamay-ari ng lupaing sinasaka ng kanyang Itay. Ngunit si Isay ay nanatiling bihag pa rin ng kanyang kahapon. Paano na siya ngayon? Paano na ang lahat ng kanyang mga bukas?

Huwag Mong Labanan Ang Pag-ibig

Huwag Mong Labanan Ang Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-335-5

Sina Dessa at Dante ay magkapatid, gayundin sina Belle at Miko. Nang mag-ibigan sina Belle at Dante, nagkaroon ngmalaking problema na kinasangkutan nina Dessa at Miko. At lalong lumaki ang problema nang umibig naman si Miko kay Dessa, isang pag-ibig na bigla, higit na maalab, na hindi malaman ni Dessa kung paano hahadlangan...

Paano Kikilalanin Ang Pag-ibig?

Paano Kikilalanin Ang Pag-ibig?

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-274-X

Unang nakilala ni Rissa Rivera si Dr. Alvin Delgado. Pero nagkaroon siya ng masamang karanasan sa kamay ng nakatatandang kapatid nito na si Anto.Kahit wala na si Anto, may pag-asa pa bang mabuong muli ang pagkakaibigan nila ni Alvin? At may posibilidad pa bang humigit sila sa pagiging magkaibigan lang? Paano kikilalanin ni Rissa ang tunay na pag-ibig?

Puso Ko'y Alipin Mo

Puso Ko'y Alipin Mo

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-385-1

Naging tradisyon na sa Hacienda Sto. Tomas na ang mga lalaki sa mayamang pamilya Real ay magkaroon ng “alaga” mula sa kanilang mga nasasakupan. Si Ilay na kabilang sa isang pamilyang nakapailalim sa sakop ng mga Real ay ibinigay sa herederong si Dondon bilang personal nitong alila – isang laruan o “alaga”. Pero ang kalagayan ni Ilay ay nagkaroon ng ibang kulay dahil umibig siya sa lalaking umaalipin sa kanya. Ano ang kahihinatnan ng kanyang pag-ibig?