Nang Dahil Sa Pag-ibig
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Masidhi ang ambisyon ni Teresa. Mula pagkabata, pinangarap na niyang maging isang artista sa pelikula. At dumating sa kanya ang isang malaking pagkakataon nang ma-discover siya ng isang direktor. Ngunit mahigpit iyong tinutulan ng nobyo niyang si Emil. Ayaw siyang payagan ng lalaki na mag-artista. Nang isang gabi’y pasukin si Teresa ng isang lalaki sa kanyang silid at pagsamantalahan, isang tao lang ang pinaghihinalaan niya. Si Emil. Hinalay siya ng lalaki upang tuluyang mahadlangan nito ang pangarap niyang pumasok sa mundo ng pelikula!
Sapagkat Mahal Kita
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Isang magaling na manananggol si Evelyn. Tinitingala. Iginagalang. Dahilan upang pangimian siya ng mga lalaki. Kaya sa kabila ng pagiging matagumpay niya sa kanyang propesyon, hungkag ang buhay pag-ibig ng dalaga. Sadyang itinalaga na ni Evelyn ang sarili sa pagtandang dalaga. Ngunit dumating ang sandaling may isang nagkalakas-loob na magtapat sa kanyang pag-ibig. Ang lalaki’y si Cezar. Isang bilanggo. Ang kaso’y mabigat na “rape”. Paano natutuhang ibigin ng abogadang si Evelyn ang isang maituturing na kriminal na tulad ni Cezar?
Sa Pagitan Ng Poot At Pag-ibig
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Aktibista si Malou. Sundalo si Glen. Itinuturing silang mortal na magkaaway sa lipunan. Nang matagpuan nila ang tunay na pag-ibig sa isa’t isa, maraming isinuko si Malou, kabilang na ang pagpapahalaga niya sa kanyang mga prinsipyo’t paniniwala bilang isang makakaliwa. Pinili niya ang pag-ibig ni Glen, sa paniniwalang sa piling ng lalaki, pawang kaligayahan lang ang kanyang madarama. Ngunit sinaktan siya ni Glen. Pinaluha. Tama bang balikan niya ang buhay ng isang makakaliwa upang maging madali ang paglimot sa lalaki?
Ideal Man Sa Manhid Na Puso
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Ang ideal man ni Erica ay isang lalaking malaki ang edad sa kanya, hinog ang isip at guwapo. Ang lalaki ay natagpuan niya sa katauhan ni Marc, na unang kita pa lamang niya ay nagpatibok na sa kanyang puso. Ngunit natuklasan niya na ang ideal man ay hindi pinapangarap kungdi idinidikta ng puso...
Kung Ako'y Iiwan Mo
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Sabi kay Mae ng kaibigan niyang si Malou, hindi raw dapat pagkatiwalaan ang mga uniformed men. Dahil likas daw sa mga ito ang magiging babaero. Ang pagiging manloloko. Nang umibig si Mae kay Ricky na isang miyembro ng PNP, binalewala niya ang babalang iyon ng kaibigan. Nagtiwala siya sa pag-ibig ng lalaki nang walang pasubali. Ibinigay niya ang puso, ang kaluluwa, ang lahat-lahat.
Subukin Man Ang Pag-ibig
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Penpals sina Rossana at Gabriel. Nag-ibigan at naging magkasintahan sila sa panulat, sinubok ng tadhana ang tibay ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Ibang Gabriel ang nakaharap ni Rosanna, isang lalaking iba na ang pangalan. Ang lalong masakit, nagkaroon ng simpatya si Gabriel sa pinsan ni Rossana, si Carol.
Paano Magtitiwala Ang Puso?
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Mga bata pa sila, bukas na sa kaalaman ni Dishella ang masidhing pangarap ng kasintahang si Dexter na makapagtrabaho sa Amerika. Dumating ang pagkakataong iyon nang mag-alok ng tulong ang tiyahin ni Dexter, na isa nang American citizen at nakabase na ang buong pamilya sa California.
Ganoon Kita Kamahal
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Noon ay si Bien. Nawala kay Clarisa ang unang pag-ibig nang dahil kay Hannah, ang kanyang kapatid. Sumunod ang kanyang papa. Nawala rin sa kanya ang mahal na ama nang dahil sa kagagawan ng kapatid. At ngayon, si Erick naman ang nakatakdang mawala sa kanya nang dahil pa rin kay Hannah. Lahat na lang ba ng lalaking minamahal niya ay hahayaan niyang mawala sa kanya nang dahil sa kagagawan ng kapatid sa ama? A, hindi na sa pagkakataong ito. Makikipagtuos na siya kay Hanna. Ipaglalaban na niya si Erick!
Tubusin Mo Ang Kasalanan
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Malaki ang kasalanan sa akin ng iyong ama! Naniningil lang ako!” Ito ang sinabi ni Rowel kay Jayne nang dukutin siya nito at pagtangkaang halayin. Walang ideya si Jayne kung ano ang kasalanang tinutukoy ng lalaki. Ngunit nang malaman niya ang lahat, siya mismo ang nag-alay ng sarili niya kay Rowel.
Isinakripisyo niya ang sarili upang tubusin ang kasalanan ng kanyang papa sa lalaki. Ngunit may pagsasakripisyo ba na sa halip na magdusa ay nag-enjoy pa nang husto ang gumawa? Matagal bago natanggap ni Jayne sa sarili ang katotohanan – sadyang napaibig siya sa guwapo niyang abductor!
Sapat Na Ang Minsa'y Minahal Mo Ako
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Hindi karaniwang nangyayari sa araw-araw na umibig sa isang tulad ni Nimfa ang binata, guwapo, mayaman at edukado na tulad ni Jordan. Sa tulad ni Nimfa na bukod sa isa lang pipitsuging singer/receptionist sa isang club, ay may anak pa sa pagkadalaga.
At para kay Nimfa, ang di-pangkaraniwang pangyayaring iyon ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang alok ni Jordan na pakasalan siya. Siya mismo kasi’y hindi makapaniwala na tunay nga ang nadaramang pag-ibig para sa kanya ng lalaki.














