Skip to main content

You Made Me Live Again

You Made Me Live Again

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Tiyak ni Denise na maraming babae ang magpapakahangal at gagawin ang lahat marinig lang mula sa mga labi ni Andrei ang mga salitang: “I want you.”
Pero hindi siya. Dahil iba ang gusto niyang marinig mula rito. Ang gusto niya ay pag-ibig – wagas at walang katapusan. At habang patuloy nitong sinasabi how much he wanted her, pero hindi binibigkas ang salitang pagmamahal, lalo lamang siyang nasasaktan. Kaya kailangan niyang lumayo rito dahil parang alak ang mga halik nitong lalong tumatamis habang lumalawig.
Ayaw niyang maging mistress ninuman. Kahit pa ng lalaking mahal niya…

Sa Pangarap Kita Mamahalin

Sa Pangarap Kita Mamahalin

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Pakiwari ni Jessica ay wala na siyang mahihiling pa nang magpahayag ng pag-ibig si Renan. Kaya siya na lamang ang lungkot niya nang makilala ng kanyang ina ang binata at pagkatapos at tuwiran siyang pinagbawalan na muling makipagkita rito. Handa sana siyang suwayin ang di-makatuwirang utos ng ina until she learned the truth. Renan’s father once broke her mother’s heart and it almost destroyed her life.
Jessica knew she should stay away from Renan. Kung ganoon lang sana kadaling utusan ang puso…

Narito Ka Sa Puso Ko

Narito Ka Sa Puso Ko

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Nagdi-dinner si Andrea sa isang restaurant kasama ang kanyang kaibigan nang marinig ang pagtikhim sag awing kanan niya. Sa paglingon ay sumalubong sa kanyang paningin ang isang pares ng mga mata --- the most beautiful pair of eyes she had ever seen in a man.
“Excuse me. I’m sorry to bother you, pero may gusto lang itanong itong anak ko,” anitong tinitingnan ang batang kahawak-kamay.

Ikaw Lang, Mahal Ko

Ikaw Lang, Mahal Ko

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Malapit nang mag-give up si Ralph sa paghahanap ng star model para sa big launching ng bago nilang mga beauty products. Ilang libong babae na ang ipinarada sa kanyang harapan ngunit wala sa mga ito ang qualities na gusto niya.
Hanggang sa makita niya ang larawan ni Nikki. Right there and then, ipinasya niyang ito na ang mukhang magbibigay tagumpay sa promotion ng kanilang produkto. At nang makaharapan niya ang dalaga, her beauty took his breath away.
All of a sudden, hindi na sure si Ralph kung gusto pa niyang iparada sa mundo ang kagandahang parang nais na lamang niyang solohin…

Until I Met You

Until I Met You

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

ISBN: 

971-43-0335-4

Kenneth never knew what hit him when he first saw Annette Esguerra. He was completely enthralled with her. Kilala ito sa buong campus dahil bukod sa matalino at maganda ay anak ito ng isang kilalang senador. Ganoon na lang pagkainggit sa kanya ng mga kaibigan nang unti-unti siyang mapalapit sa dalaga. Ganoon na lang ang pagkadismaya niya when, without mincing words, his father expressed his disapproval for the girl of his choice. Iyon ay dahil sa isang bagay na hindi kayang baguhin ni Annette kahit gustuhin man nito…

Kung Nais Mong Lumigaya

Kung Nais Mong Lumigaya

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Habang tinititigan ni Lena ang pahayagang nag-aanunsyo ng kasal niya kay Gener, bumalik sa kanyang isip ang pinagdaanan niyang hirap dahil dito. Iniwan siya ng lalaki nang kailangang-kailangan niya ito; sinuhulan siya ng ina niyo at pinagtangkaan ang buhay. Wala siyang malay at duguan sa tabi ng daan nang matagpuan ni Robert Montepaz, at sinaklolohan. Sa tulong nito, nagkaroon siya ng lakas para bumangon at magsimulang muli. Sa pagpapahalaga nito sa kanyang pagkatao, natuto siyang mahalin ang sarili… kasabay ng pagtubo ng pag-ibig niya dito.

Minsan Lang Kung Umibig

Minsan Lang Kung Umibig

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Irma came to an unexpected wealth when an eccentric old woman died and left her a fortune on the condition that she marry Andrew, a man she didn’t even know. Sa pangungumbinsi ng ama, pumayag si Irma. Pagkatapos ng civil wedding, naghiwalay na sila ng landas ng bagong asawa. Tumira ito sa hacienda sa Davao at silang mag-ama ay bumalik sa Maynila, dala ang malaking halaga mula sa lalaki. Madaling winaldas ng ama niya ang pera bago ito namatay. Left with nothing, she knew she had no one else to turn to except her husband who was a total stranger to her.

It Might Be You

It Might Be You

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

ISBN: 

971-43-0342-7

Habit na ni Bruce ang pagtawag sa radio station para mag request ng paboritong kanta. He found that the gentleness in the wonderful voice of the female deejay was like a balm to badly bruised heart. Nang minsang nagpunta ang binata sa radio station, ang nakita niya sa booth ay si Winona, ang ramp model na best friend ni Raquel. Poor Bruce didn’t know he had fallen in love with two women --- the voice of Raquel and the face of Winona.
The problem wa that Raquel had already fallen madly in love with him…

Ikaw Pa Rin Ang Mahal

Ikaw Pa Rin Ang Mahal

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Nakatatak sa isipan ni David ang eksenang iyon nang tahasang sabihin sa kanya ni Natalie Legarda na hindi siya nababagay na mapabilang sa mayamang pamilya nito. Baon ang poot sa dibdib, nagsumikap siya hanggang sa umangat ang buhay niya habang ang mga sa Legarda naman ay bumulusok na paibaba.
Ngayon ay nasa kakayanan na niya ang makaganti at paluhurin ang dati ay mapagmataas na dalaga. Pero bakit tuwing tititigan siya ni Natalie sa mata, pakiramdam niya ay siya pa rin ang nasa ilalim ng kapangyarihan nito?

A Place In Your Heart

A Place In Your Heart

Read This Book Online

Print Publisher

Bookware Publishing Corp.

Naglayas sa bahay nila si Audrey, bitbit ang mataas niyang pride. Nagmamalaking sinabi niya sa ama na kaya na niyang mabuhay mag-isa. Ngunit sunud-sunod na kamalasan ang nangyari sa kanya on her way to Vigan – nabunggo ang kotse niya, nawala ang kanyang wallet at natuklasang wala na sa Vigan ang kaibigang sisilungan sana niya. At ang tanging puwedeng tumulong sa kanya ay si Jack – ang saksakan ng antipatikong lalaki na nakabungguan niya ng kotse. Sa kawalan ng choice, natagpuan niya ang sariling nakikitira rito.