Skip to main content

Sa Bawat Sandali

Sa Bawat Sandali

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-027-6

Ayaw ni Jenny kay Conrad. Suicide naman si Conrad kay Jenny. Ang sumunod ay kuwintas ng walang katapusang paghihimagsik at pag-ibig, na sa bawat sandali ay kapiling ng isang labis na napopoot at isang labis na nagmamahal.

Huwag Sanang Matapos Ang Mga Sandali

Huwag Sanang Matapos Ang Mga Sandali

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-067-5

Simple ang buhay ni Sandra. May mabait siyang mga magulang. May ideyal na pamilya. May nobyong galing sa prominenteng angkan.
Hindi niya akalaing sa pag-ikot ng panahon, maghihiwalay ang daddy at mommy niya at malalagay sa alanganin ang relasyon nila ni Rei dahil produkto siya ng broken home.
Ang akala niya ay tapos na ang pagsubok dahil sa pagtanggap na hindi na sila mabubuong muli bilang mag-anak, at hindi na sila magkakabalikan ni Rei.
Hindi niya inakalang ang bagyo ay nagsisimula pa lamang...

Minsang Nagmahal

Minsang Nagmahal

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Kimbel Publishing Corp.

ISBN: 

971-660-001-1

Hindi pa umibig si Raquel kahit minsan. Hindi nakaranas magka-boyfriend, ni magkaroon ng puppy love. Kaya nang makilala niya si Eric ay agad nataranta ang kanyang puso.
Si Eric, na lahat ay nagsasabing isang certified playboy at ligaya nang dagdagan ang koleksiyon ng mga babaing nahaling dito – kasama si Raquel.

Minsa'y Tayong Dalawa

Minsa'y Tayong Dalawa

Read This Book Online

Publish Date: 

1991

Print Publisher

Emmica Publishing Co.

ISBN: 

971-857-188-4

Ang tagal nila ni Karlo. Apat na taon. Aakalain ba ni Emma na maaagaw sa kanya ni Ruth ang binata? At iniwan siya ni Karlo para pakasal kay Ruth. Ngunit mapagbiro ang tadhana. Sa isang ikot ng pangyayari ay dumating ang posibilidad na maaaring dugtungan nila ni Karlo ang kahapon. Pakakawalan pa ba ni Emma ang pagkakataon?

Akin Ba Ang Sala

Akin Ba Ang Sala

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Purple Shadow Romances

ISBN: 

971-640-044-6

Ang nobelang ito ay tungkol kay Marina, isang kabataang ang buhay ay puno ng pait, paghihimagsik, paghahanap at ninakaw na kamusmusan.
Nang umibig siya, inakala niyang iyon na ang katapusan ng nakaraan at simula ng ligaya. Ngunit natuklasan niyang isang malaking pagkakamali ang lahat. Pagkakamaling patuloy na sumusundot sa kunsensiya sapagkat nag-iwan ng sugat na walang paggaling hanggang sa kanyang huling hininga.

Bilangguang Puso

Bilangguang Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Emmica Publishing Co.

ISBN: 

971-632-045-0

Ang akala ni Haydee, hindi na siya maghahanap ng pag-ibig dahil busog na siya sa aspetong materyal. Naibigay na ni Januar sa kanya ang lahat. Ngunit hungkag ang kanyang puso, sapagkat iba ang isinisigaw noon – si Fermin.
Ang tanong ni Haydee, sadya bang mapagbiro ang tadhana? Na kapag pinanaig niya ang pag-ibig ay kasing kahulugan na rin ng pagyurak niya sa katarungan...!

Nang Ibigin Kita

Nang Ibigin Kita

Read This Book Online

Publish Date: 

1991

Print Publisher

Emmica Publishing Co.

ISBN: 

971-857-179-5

Nang ibigin ni Olympia si Victor, nalimot niyang boyfriend na niya si Conrad.
Nang sumama siya kay Victor at talikuran ang nakatakda na nilang kasal ni Conrad, nawala sa isip niya na ang kahihiyang idudulot sa dating nobyo ay maaaring magbunga ng kamatayan.
Ang tanong: Kailangan bang magbuwis ng buhay ang isang ipinakipaglaban ang tunay na damdamin?

I Will Be Here

I Will Be Here

Read This Book Online

Publish Date: 

2010

Print Publisher

Harrel Publishing

JS Prom night.
Ang feeling ni Michelle ay ang ganda-ganda niya. Paano kasi, at last, ay pormal na nagsabi si Rupert na mahal din siya nito. Sino si Rupert? Si Rupert lang naman ang kanyang ultimate crush since freshman high school. Lumulutang talaga siya sa cloud 9.
Ngunit naglaho lahat ang inaasam niyang ligaya with Rupert. Pag-uwi kasi ni Michelle mula sa prom night ay isang trahedya ang naghihintay sa kanya. Ang daddy niya, binaril ang mommy niya!
Paano pa siya mamahalin ni Rupert? At paano rin niya bubuuin ang buhay na sinira ng kriminal na ama?

Ayokong Ibigin Ka

Ayokong Ibigin Ka

Read This Book Online

Publish Date: 

2010

Print Publisher

Harrel Publishing

Guwapo si Dimitri. Makisig. Mahusay magdala ng damit. Ilan lang iyon sa mga rason kung kaya certified heartthrob ang binata sa Alps, Incorporated.
Ang ugali lang nitong mahilig magpatawa at magpakenkoy ang nakaka-turn off kay Jessica. Ang tipo kasi niyang lalaki ay tulad ni Eman, tahimik at seryoso. Responsable.
Ang sabi ni Jessica sa sarili, hinding-hindi niya maiibig ang isang tulad ni Dimitri. Pero pinaglaruan siya ng pagkakataon...

I Still Love You... Kuha Mo?

I Still Love You... Kuha Mo?

Read This Book Online

Publish Date: 

2011

Print Publisher

Harrel Publishing

Galit na galit si Poleng sa sarili. Kasi naman sa dami ng lalaking magugustuhan, si Whammy pa ang naging super, duper crush niya.
Sino si Whammy? Siya lang naman ang heartthrob ng lahat ng mga chicababes sa Academy of Santa Cruz. Band vocalist. Dashingly cute. Sobrang malakas ang sex appeal.
'Yung kung puwede silang dalawa, oo naman. Bagay na bagay sila. Kaya nga sila ang naging Mr. and Miss JS sa Prom night ng school nila. Kaso lang, sa mismong prom night, ang laking eskandalo ng nangyari.
Sa totoo ay nakakaloka talaga!