Skip to main content

Alyssa Valdez crush na crush si Piolo Pascual

July 7, 2015

HINDI itinatago ng volleyball superstar na si Alyssa Valdez na ultimate crush niya si Piolo Pascual. May mga katangian daw ang aktor na talagang nagustuhan niya.

“Si Piolo kasi, sobrang down-to-earth and simple lang talaga siyang tao. He greeted me no’ng birthday ko, my gosh! ‘Yung feeling na sobrang simple lang talaga niya. Bata pa ako napapanood ko na siya,” nakangiting pahayag ni Alyssa.

Walang karelasyon ngayon si Alyssa at noong isang taon pa siya nakipaghiwalay sa huling naging boyfriend. “I usually go out naman with my friends. Kasi outlet rin ‘yun na nakakawala ng stress. Kailangan mo ring lumabas and mag-unwind para alam mo rin kung saan ka na. Para ma-realize mo rin na you have a family outside of volleyball. Sabi nga nila love can wait.”

Matatandaan na sa bawat TV guestings ni Alyssa mula nang sumikat siya sa pagiging volleyball player ay consistent siya sa pagsasabi kapag natatanong kung sino ang crush niya na si Piolo talaga ang type niya ever since.

EDITOR’S TAKE:

“Ultimate Heartthrob” si Piolo kaya hindi nakapagtataka na maging ang mga kababaihan na nasa edtado gaya ni Alyssa ay magka-crush sa kanya. Usually rin, magandang kumbinasyon kung may something sa pagitan ng isang artista at isang sports personality. Tiyak na magkakasundo rin ang dalawa dahil sports buff ang actor.

Suggestion lang. Siguro sa mga susunod na movie ni Piolo ay bigyan ng cameo role si Alyssa at tingnan kung may chemistry sila. Malakas din ang hatak ng volleyball superstar sa mga fans kaya tiyak na dadagsain ang proyektong pagsasamahan nila.