Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 28)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-28 labas)

PAGKARATING sa bahay ay nilantakan agad nina Jason at Fiona ang mga binili nilang ice cream. Hindi talagang mahilig sa sorbetes ang binata, pero dahil pumapalo sa 38 degrees Celsius ang temperatura dahil tag-araw, considering na malamig sa Rosas Compound dahil sa mga punongkahoy, marami rin siyang nakain. Nang makainom ng malamig na tubig ay nakaramdam siya ng ginhawa.

Nasa dining table sila ni Fiona noon. Nahalata niyang dahil bata pa ito ay malakas sa ice cream.

“Kilala mo pala ‘yung cashier sa convenience store,” maya-maya’y basag nito. Tumingin sa kanya.

“Bagong kakilala,” paglilinaw niya.

“Mukhang crush ka niya.”

Hindi siya sumagot.

“Namumula ka!” biro nito sa kanya. “Crush mo rin siya, ano?”

Tumawa siya. “She’s pretty,” aniya at kumuha muli ng ice cream.

“At sexy,” susog ni Fiona. “Medyo maliit nga lang.”

Observant pala ito, naisip ni Jason. Gusto sana niyang sabihin dito na mas maganda ito at seksi pero baka mailang sa kanya. Sayang ang boobs nito na kanina pa niya nasa-sight.

Pagkarating kasi nila sa bahay ay tinanggal nito ang panloob na T-shirt at ang volleyball uniform na uli ang nakasuot. Sa mga unguarded moments nito, lalo na pag dudukwang ay kitang-kita niya ang malulusog nitong dibdib at mapupulang nipples. Sabi nga niya sa sarili, sa sobrang sariwa at tayung-tayo at pristine  na estado ng boobs nito, kahit boso lang—huwag nang mahawakan—ay ulam na!

“May girlfriend ka ba ngayon?” usisa nito.

“Kabi-break lang namin,” matapat niyang sabi.

Nagulat ito. “Ay, bakit naman?”

Nagkibit-balikat siya. “It happens...”

“Bakit nga?” pangungulit nito.

Lumikha siya ng fiction just to satiate her curiosity. “Kinulang kami ng quality time sa isa’t isa, parehong busy. Nagkaroon ng gap. ‘Yun...”

“Maganda ba siya?”

“Kung napanood mo ‘yung Meteor Garden noong bata ka pa, kamukha siya ni San Chai.”

Nanlaki ang mga mata ni Fiona. “Whoah! Ganda, ha? Sayang pinakawalan mo pa.”

Naglagay ito ng sorbetes sa binili nilang apa. Pagkuwa’y hinimod iyon.

Napalunok siya habang pinapanood sa ginagawa si Fiona. Na-imagine niya kung ang dyunyor niya ang dinidilaan nito. Ang liit pa naman at ang tulis ng dila ng dalaga.

“May nililigawan ka ngayon?” tanong naman nito sa kanya.

“Wala pa. Still mending a broken heart.”

“Drama nito!” nag-make face ang dalaga. “Ano ba ang type mo sa babae maliban sa kamukha ni San Chai. ‘Yung ibang peg.”

Bibiruin sana niya ito na gusto niya’y athletic. Matangkad. Mestisa. Sexy. Mahahaba ang legs. Medyo boyish pero cute. Pero pinigil niya muling magbigay ng motibo rito. Bubot pa si Fiona. Ang kailangan dito’y dahan-dahang approach.

“Basta naramdaman ko sa puso ko na mahal ko siya, wala na akong mga batayan na susundin. Usually kasi sa pag-ibig, puso naman ang nasusunod at hindi isip. Teka lang,” kapagkuwa’y kambyo niya, “usapang slum book na ito, hindi na yata bagay sa age ko.”

Tumawa si Fiona. “Hayaan mo na ang pangungulit ko. Ikaw lang kasi ang walang sayad sa bahay na ito.”

May naalala siya. “‘Yung isa pa ninyong boarder hindi ko pa yata nakikita...”

“Ah, si Kristal? Bihira talagang umuwi ‘yun. Isa pa ‘yung luka-luka. Pero ang ganda, ha? Kamukha ni Denise Laurel.”

“Estudyante?”

“Ewan ko. Mahiwaga ‘yun, eh. Di bale, isang araw ay uuwi rin ‘yun.”

Tumangu-tango siya. Saka nagtanong. “May boyfriend ka na ba?”

“Slum book, ha?” ngumiti ito. “Wala rin. Last ako nagkaboylet fourth year high school. Hindi ako ligawin, eh. Madalas akong mapagkamalang tomboy.”

“Hindi, ah,” maagap niyang reaksyon. “Girl na girl ka nga, eh. Nakakatuwa nga kasi athlete ka. Masarap sa mata ang babaing athlete.”

Kumunot ang noo nito. “Bakit masarap sa mata?”

“Kasi bihira ‘yung maganda na, athlete pa. Remember Leila Barros, ‘yung Brazilian volleybelle. Ang ganda-ganda noon.”

“Yeah, nababanggit siya ng coach namin. Saw her clips sa YouTube. Mahusay.”

“Sana mapanood kita minsan.”

Kumislap ang mga mata ni Fiona. “Sige, pag may praktis ang team sama ka. Oy, ang gaganda at ang tatangkad ng team mates ko baka may maligawan ka sa kanila.”

Isip niya ang sumagot dito. Sa ‘yo pa lang, solved na ako.

Matapos ang kanilang ice cream tsika ay pumasok na siya sa kanyang room para magpahinga. Matutulog naman daw si Fiona. Nakahiga siya ay kung anu-ano ang kanyang naiisip. Nakapa niya ang resibong pinagsulatan ni Cass ng number nito. Inilagay niya iyon sa phone contacts niya. One day, ite-text niya ito.

Ewan kung dahil sa sobrang sugar na nakain niya kaya hindi siya dalawin ng antok. Bumangon siya at nagbukas ng computer, nag-log on sa Facebook.

May bago siyang message.

Sabik niyang binuksan iyon. Baka si Hazel.

Pero hindi. Ang naroon ay mensahe talaga. “Jason, kumusta?”

Ang nagpadala ng mensahe ay may pangalang “Lowres Pics”. Natawa siya nang konti sa alias nito. Artist ba ito o ano? Gayunpaman ay nag-reply siya. Baka si Hazel at nagbabalatkayo lang. “Sino ‘to?”

Hindi kasama sa listahan ng mga kaibigan niya ang message sender. Hinintay niyang sumagot ito at baka online. Maya-maya, nag-reply nga. “Natatandaan mo pa ba ang mga niyog na itinanim mo?”

Parang may mga dagang naghabulan sa kanyang dibdib. Hindi niya akalain ito. Nagmamadali siya sa pagta-type ng reply. “Ma’am Sef, kayo ba ‘yan?”

Smiley muna ang dumating na reply. Kasunod ang kumpirmasyon. “Yes. How are you? Tagal kitang hinanap!”

 

SUBAYBAYAN!