Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 30)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-30 labas)

MAGANDA ang loob ng bahay nina Ma’am Sef. Malawak ang salas. Ang kalahati ay may ilang hakbang na hagdan patungo sa tatlong kuwarto yata iyon. Sa bandang kanan ang kusina at bathroom.

Walang masyadong upuan maliban sa sala set na yari sa kawayan. May ilang artworks na naka-hang sa wall, na nang tingnan niya ay may sign ni Ma’am Sef. Ito pala ang nag-paint niyon. Mahusay ang pagkakaguhit, at watercolor ang ginamit na medium. Pag ganoon pala ang medium na ginagamit nito ay mahilig ito sa subject matter na dogs.

Naiwan siya sa salas at nagdiretso ito sa kusina. Naghanda pala ng meryenda. Sinangag at tuyo ang naaamoy niya. Nakaramdam siya ng gutom.

Maya-maya ay tinawag siya nito para kumain. Mag-almusal daw muna sila para malakas ang katawan bago magtanim ng niyog. Hindi siya nagkamali sa naamoy. Sinangag, tuyo at pritong itlog ang niluto nito.

Itinanong nito sa kanya habang kumakain sila kung anong kurso ang kukunin niya sa college. Sinabi niyang tiyak na may kinalaman sa information technology. Good choice daw, sabi nito. Iyon na raw ang mga kursong patok ngayon—mga computer-related courses.

Naikuwento nito na graduate ito ng multi-media arts tapos ay kumuha ng units sa education. Pasado rin daw ito sa board. Iyon daw kasi talaga ang passion nito—arts and teaching. May plano pa nga raw itong kumuha ng basic photography course para ma-reinforce ang art skills.

“Ang sipag n’yo naman, Ma’am Sef,” puri niya rito.

“Kailangang maraming alam sa buhay, Jason. Doon ka aasenso. Look at me, at 24 ay marami na akong trabahong pwedeng pasukan,” paliwanag nito sa kanya.

Si Ma’am Sef , mula nang mga sandaling iyon, ang kanyang naging role model. Kaya nga hanggang ngayon, hindi siya tumitigil sa pag-aaral.

Naitanong niya rito ang tungkol sa asawa nitong foreigner. Ayon dito ay dati ring artist ang asawa nito (though chef talaga ito) na nakilala nito sa isang art exhibit. Batambata pa raw ito noon, early 40’s naman ang lalaki. Nagkagustuhan sila at nagpakasal matapos ang mahaba-habang panahon ng chatting sa internet at paminsan-minsang eyeball.

Ipinakita nito sa kanya ang picture ng mister nito. Palibahasa’y Caucasian, ang tingin niya ay sobrang guwapo.

Pag bakasyon ang mister nito ay saka sinusulit ang pagiging artist. Sabay raw silang gumagawa ng painting. Nagpapalitan ng mga ideas. Mahilig sa black and white (usually ay pen and ink ang medium) ang mister nito dahil color blind daw ito.

“Pero this year ay susunod ako sa kanya sa Dubai,” kuwento sa kanya ni Ma’am Sef. “Matagal kasi ang kontrata niya kaya dadalawin ko siya. Kung may makita akong work doon, mas okey.”

“Eh, sino pa ang mag-aasikaso nitong bahay n’yo?” tanong niya rito.

“’Yung isang pinsan ko. Pag talagang magtatagal ako roon, baka paupahan muna. Bahala na.”

Nang makapag-almusal ay nagpahinga muna sila. Maya-maya’y sumilip sa labas si Ma’am Sef, at niyaya siya nang makitang hindi matingkad ang sikat ng araw.

Pumasok ito sandali sa kuwarto at nagpalit ng T-shirt. Naka-sando ito nang lumabas kaya lalo niyang nabistahan ang pagiging sexy. Pinutol na maong ang suot nito at top-tank na grunge ang print. Para pala itong ang rock star na si Avril Lavigne pag ganito ang porma.

Siya ang naghukay ng pagtataniman ng niyog. Walang problema sa kanya dahil sanay naman siyang magtanim ng kahit ano. Ang lupang nahuhukay niya ay inilalagay naman ni Ma’am Sef sa mga basyong paso, tataniman daw nito ng sampaguita.

Wala pang dalawang oras ay natapos nila ang pagtatanim ng niyog. Doon na rin siya pinakain ni Ma’am Sef ng tanghalian.

“Pag lumaki ang mga niyog at may mga anak na ako, maaalala kong katulong ka sa pagtatanim niyan,” masayang sabi sa kanya ni Ma’am Sef. “Kaya lang ay matagal bago mamunga ang niyog.”

“Oo nga po. Mga anak n’yo na ang makakatikim ng bunga niyan.” Naalala niya ang hitsura ng asawa nito. “Ang gaganda po siguro ng magiging anak n’yo.”

“Oo, para maipasok na artista sa Channel 2.”

Nagkatawanan sila.

Inihatid siya ni Ma’am Sef nang pauwi na siya. Obligasyon daw kasi siya nito, baka maaksidente siya sa pag-uwi. Magkatabi na naman sila sa Volks nito nang papauwi na siya, at pinagsawa niya ang mga mata sa makikinis na legs nito.

Naiisip niya, gaano kaya ka-cute ang nasa pagitan ng legs ni Ma’am Sef?

Natapos ang bakasyon ng kanilang teacher at kasabay niyon ang pagtatapos ng tour of duty ni Ma’am Sef bilang substitute. Malulungkot silang magkaklase noong last day ng pagtuturo nito sa kanila dahil noon lang sila nagkaroon ng titser na bata, mahusay at relevant. Sabi nito sa kanila ay huwag maging emotional tutal ay sandali na lang naman at graduation na rin. Pagbutihin daw nila ang pag-aaral, at chill lang sa mga problema.

Lalong nag-iyakan ang mga kaklase nilang babae. Siya man ay malungkot din dahil kahit papaano, nagkaroon sila ng bonding sa pamamagitan ng pagtatanim ng niyog.

Bago ito umalis noong hapon na ay kinausap siya. Babalik daw ito sa kanilang graduation. Sabi pa nito ay hindi iyon ang huling pagkakataon na magkikita sila.

“I’ll see you soon, Jason,” anito at pinisil siya sa braso. “Maybe after your graduation.”

“Sige po,” masaya naman niyang sagot.

 

SUBAYBAYAN!