Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 74)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-74  na labas)

NAGULAT si Jason nang makitang parang walang anumang naghubad sa harapan niya si Sandra. Una nitong tinanggal ang pang-ibaba at pang-itaas ng uniporme, at pagkatapos ay ang bra.

Napanganga siya nang makita ang sariwa at malulusog na kambal nito. Para iyong mga mansanas mula sa Amerika kalalaki. At palibhasa’y maputi si Sandra, halos magkulay pink ang mga nipples nito.

Naka-panty ito ng kulay pink din at napatingin siya sa natatabingan na kaangkinan nito. Matambok iyon. Sabi nga ng mga tiyuhin niyang pilyo ay parang binalot na baon ng isang construction worker para sa tanghalian. Napalunok siya.

Napakaseksi rin ni Sandra. Kung kitang-kita na ang mga curves nito kapag naka-uniform, mas define ang kaseksihan nito kapag nakahubad. Ang hugis ng katawan nito ay nagpapaalala sa kanya sa curves ng dating PBB housemate at dancer na si Saicy Aguila.

Nagbalabal ng tuwalya si Sandra. Natitilihan pa rin siya nang dumaan ito sa tabi niya. Hinipan siya nito sa mukha. “Baka man mabulag ka!” anito at tumawa bago diretsong pumasok sa banyo.

Naiwan siyang nakanganga.

Nanlalambot siyang napaupo sa kama. Napakatagal na niyang hindi nakikipag-sex. Halos nakalimutan na nga niya. Pero sa nakita niya kay Sandra, may kung ano na namang demonyo na nabuhay sa kanyang katawan.

Naisip niya, dalawa lang sila roon. Kung ayaw man ni Sandra na may mangyari sa kanila, madali niya itong madadarang. Isa pa ay malambing ito. At ang maliit na kuwartong kinaroroonan nila ngayon ay walang ibang ihahatid sa kanila kundi tukso.

Napayuko si Jason. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Look at the bigger picture, sabi niya sa sarili. Kung may mangyari sa kanila ni Sandra, hindi gaya nina Rosela at Aling Mercie na marunong na sa katawan bilang babae para hindi mabuntis, sigurado siyang lolobo ang tiyan nito. Wala namang problema kung sakali. Makakagalitan siya ng kanyang ina pero magagawa niyang panindigan kung mabuntis niya ito.

Iyon nga lang, magiging mahirap para kay Sandra ang mag-aral kung lolobo ang tiyan. Malamang na mag-stop muna at saka na lang ituloy ang pag-aaral pag puwede nang iwan ang kanilang baby sa mag-aalaga—na malamang na ang nanay niya.

At dahil pareho silang estudyante, paano niya bubuhayin ang anak? Aasa muna siya sa kanyang parents, sa parents ni Sandra o kaya ay sa kanyang mga kapatid. Pero hanggang kailan? Mahal ang gatas, diapers, pagpapabakuna sa baby, at iba pa.

Walang hinto ang mga posibilidad na nagbibigay ng takot sa kanyang dibdib. Ngayon siya nagsisi na hindi siya nakabili ng condom. Nahiya rin kasi siya kay Sandra kanina bagaman at pumasok iyon sa isip niya.

Baka naman provided ng motel? O kaya ay magtanong siya sa room boy. Pero kaninang naghalungkat siya sa CR ay wala naman siyang nakita. Kung magtatanong naman siya sa room boy, parang awkward.

Bandang huli, nagdesisyon siyang pipigilan ang sarili, lalo pa’t sa sahig naman siya matutulog.

Nakatapos maligo si Sandra. Nakabalot ito sa tuwalya nang lumabas.

“Maligo ka rin,” anito sa kanya. “Nabasa ka kanina para hindi ka sipunin. May hot shower man.”

Tumayo siya at dinampot ang tuwalyang para sa kanya. Nasamyo pa niya ang kabanguhan ni Sandra na pinatingkad ng ginamit na sabon at shampoo. Amoy dalagita. Agad siyang pumasok sa banyo para hindi na pasukin ng kapilyuhan ang kanyang isip.

Nag-hot shower muna siya at pagkatapos ay saka ang normal temperature na tubig. Palibhasa’y malaki ang salamin sa banyo ay napagmasdan niya ang sarili.

Unti-unti na siyang nagiging mama ang hitsura. Matangkad na siya kaysa sa dati. Mataas na rin ang kanyang balikat, at ang kanyang dibdib ay nagkakaroon na ng laman. Hindi siya masyadong mamasel ang mga braso pero may korte. Wala siyang tiyan, at siguro ay may kinalaman doon ang genes. Ang tatay niya ay hindi rin nagkaroon ng tiyan, unang-una ay dahil hindi ito manginginom. Pero ang mga kapatid niyang lalaki kahit malakas sa beer ay flat din ang tiyan.

May isang kaklase siyang lalaki na masyadong metrosexual. Niyayaya siya nitong mag-gym malapit lang daw sa campus. Kada araw daw ay twenty pesos lang ang babayaran. Para raw mas ma-develop ang kanyang katawan.

Noong una, he’s not giving the idea much thought, pero lately ay nare-realize niyang mukhang kailangan nga. Wala na siyang PE subjects kaya wala na rin siyang masyadong physical activities. Kung makakadalawang oras siya sa gym kahit every other day, malaking bagay iyon para sa health niya. Naisip niya, yayayain niya si Sandra para may kasama siya. Para manatili rin itong sexy.

Naalala niya ang nakita niyang hubog ng katawan nito kanina. Kung makikita ito ng mga pilyong uncle niya, tiyak na sasabihan siyang naka-jackpot siya. Para na rin siyang tumama sa Grand Lotto.

Napangiti siya. Naalala niya ang nanay niya na may pagkapintasera. Noon, kapag ibinibiro siya sa mga kababata niya ay laging may pintas ito. Kesyo parang pugad ng ibon ang buhok. Malalaki ang ngipin. Walang panga. Malapad ang tainga. Sobrang kipot ng bibig. Napa-react tuloy ang tatay niya na parang si Piolo Pascual daw naman ang anak nito kung makapintas sa mga dalagita.

Noon ay sinabihan siya ng ina na kailangang perpekto ang babaing ihaharap niya rito. Pag hindi raw, sasabunutan lang nito, sasampalin at pauuwiin. Naisip niyang kung si Sandra ang makikita nito at dadalhin niya sa kanilang bahay, baka magilitan nito ng leeg ang pinakamataba nilang dumalaga at agad-agad na magluto ng specialty nito na tinola.

Nagtuyo siya ng katawan at lumabas na ng banyo.

“Why are you smiling?” tanong sa kanya ni Sandra. Nakabihis na uli ito ng uniporme.

“Naisip ko lang, pag nakita ka ng nanay ko matutuwa iyon. Gusto kasi niya na maganda ang mapangasawa ko.”

Sumilay sa mukha ni Sandra ang malungkot na ngiti.

 

SUBAYBAYAN!