Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 90)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-90 labas)

NANG simulan na ni Jason na laruin ng dila ang mga nipples ni Sandra ay naging mapusok na rin ang tugon nito. Naramdaman niyang dumidiin ang mga kuko nito sa kanyang likod. Halos pisain nito ang kanyang dyunyor sa higpit ng pagkakadaklot kahit pa nakapantalon siya. Panay rin ang sambit nito sa pangalan niya.

Bumaba siya sa may puson nito. Lumiit ang tiyan nito nang halikan niya. Habang hinahalikan niya ito sa pusod ay panay naman ang lamutak niya sa puwet nito.

Tumigil siya sa paghalik sa tiyan nito. Tumingala siya. Nagkatitigan sila. Mapupungay na ang mga mata ni Sandra. Alam na nito ang mangyayari.

“Ayaw mo man sa bed?” tanong nito sa kanya.

“Gagawin ko sa ‘yo ang ginawa mo sa akin kanina,” kaswal niyang sagot. At unti-unti na niyang ibinaba ang panty nito.

Sa isang paa lang niya hinugot ang panty kaya nakasabit ito sa isa pa. Ewan kung bakit ang trip niya nang mga oras na iyon, kapag kinain niya ito ay nakasuot pa rin sa isang paa nito ang panty. May napanood kasi siyang porn movie na ganoon ang ginawa ng bidang lalaki, at nagbigay iyon ng kakaibang turn on sa kanya at inilusyon niyang dumating ang chance na masubukan niya. Now he’s off to that sexual experiment.

At totoo nga. Just the sight of it, na nasa isang paa na lang ni Sandra ang panty nito ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang libog. Lalo pa at panty talaga iyon, hindi bikini na ginagamit sa mga beach.

At naalala niya, ang panty talaga ng isang babae ay may hatid na kakaibang libog sa mga lalaki.

Gaya nang nangyari kay Rosela...

Hayskul na rin siya noon, though hindi pa sila nagse-sex ni Rosela, nang magkuwento ito sa kanyang ina na narinig naman niya na may nagnanakaw raw ng panty nito. Hindi raw nito mahuli-huli kung sino.

Ayon sa kuwento ni Rosela sa kanyang ina, una nitong naramdaman na may nagnanakaw ng panty nito nang minsang maglaba. Nang kunin na nito ang mga sinampay, kulang na ng isa.

Akala raw ni Rosela ay natangay lang ng hangin at natangay rin ng isang aso para paglaruan. Pero ayon dito, nang sumapit daw ang umaga, nakita nitong nasa sampayan muli ang nawawalang underwear at solong naka-hang. Hindi naman daw ito magkakamali na talagang wala iyon kahapon nang magsilong na ng mga tuyong nilabhan.

Kinuha raw ni Rosela ang nawawalang panty na ngayon ay nasa sampayan na para lang magulat. Punung-puno raw ng malagkit na likido ang underwear!

Napahesusmaryosep ang kanyang ina.

Na-curious tuloy siya sa naririnig na usapan ng dalawang babae.

Sa pagpapatuloy ng huntahan, natuklasan daw ni Rosela na ang malagkit na likido sa underwear nito na nakasampay ay semilya ng isang lalaki.

Muling napahesusmaryosep ang kanyang ina.

Eksakto namang dumating ang mga amiga ng kanyang ina kaya maging ang mga ito ay napasali sa huntahan. Nalaman ng mga ito ang nangyari sa underwear ni Rosela.

Ayon sa isang amiga ng kanyang ina, manyak ang nagnakaw sa nasabing panty. Doon daw nagparaos ang kung sinumang manyakis na iyon. Kumbaga, habang nagma-masturbate daw ang nasabing manyakis ay nakasaklob sa patotoy nito ang panty saka nagpaputok. Ang pakiramdam daw ng manyakis ay si Rosela mismo ang kinakasmot nito.

Nagkatawanan ang mga babae.

Payo ng isang babae kay Rosela ay lagyan ng patibong ang manyak. Pag naglaba raw itong muli ay isang panty lang ang ilagay sa sampayan. Pero ang panty raw na iyon ay pahiran nito ng siling labuyo para mamaga ang burat ng kung sino mang manyakis na iyon.

Mas malakas ang naging tawanan.

Hindi sinasadya ay natuklasan niya kung sino ang “manyakis”. Ang kaklase niyang si Lope.

Si Lope ay may matanda kaysa sa kanya ng tatlong taon dahil madalas itong huminto sa pag-aaral. Dahil mas matanda sa kanya, o sa kanilang magkaklase, ito ang pinaka-bully. Madalas nitong biktima ang maliliit niyang kaklase. Minsan ay tinangka rin siyang i-bully nito. Hinihingan siya ng sampung piso. Pero isinumbong agad niya sa isa niyang tiyuhin at binatukan ito nang ubod-lakas. Mula noon, hindi na ito lumapit sa kanya.

Kaya naman niya nalaman na ito ang sumusungkit ng panty ni Rosela, dahil sa isang insidente. Minsan na humiram siya ng komiks sa kinakapatid ay napansin niyang pagala-gala si Lope sa may bakuran nito. May mga sinampay noon ang kanyang kinakapatid at malapit doon ang kanyang kaklase. Nang matanaw siya nito, kumaripas ito ng takbo.

Hindi niya iyon masyadong binigyan ng pansin. Inisip niyang natakot lang ito nang makita siya dahil baka akala ay kasama na naman niya ang kanyang uncle na bumatok dito.

Kinabukasan ay may pasok sila. Present si Lope at parang ang sigla-sigla nito. Nagkataon na may practice sila ng basketball team ng kanilang school, na kasama ito pagkatapos ng kanilang last period.

Mahusay maglaro si Lope palibhasa ay mas matured na kaysa sa kanila, bukod pa sa talagang may athletic ability. Sama-sama na sila sa CR ng court para magbihis.

Maya-maya ay nagtawanan ang kanyang mga ka-team na mula sa iba’t ibang section. Ibang klase ang saya ng mga ito. Pinagtatawanan ng mga ito ang pagbibihis ni Lope.  Nakisilip siya.

Nagulat siya sa nakita...

Magsusuot kasi ng supporter si Lope. Pero ang pinaka-underwear nito ay panty.

At hindi siya maaaring magkamali. Kay Rosela ang suot nitong panty!

Alam niya iyon dahil nakikita niya sa sampayan ng kanyang kinakapatid. At kahapon lang ay nakita niyang aali-aligid doon si Lope.

Hindi siguro sinunod ni Rosela ang payo ng isang kaibigan ng kanyang ina na pahiran ng siling labuyo ang isang panty at gawing pain sa manyakis na nagnanakaw niyon.

Napailing siya. Ibang klase rin naman ang trip ni Lope.

Sa labis na pagkadismaya niya rito, kahit siya ang ball handler ng kanilang team ay hindi niya ito pinapasahan ng bola sa kanilang practice. Nang matapos sila ay kinumpronta siya nito.

“Pinipersonal mo ba ako? Bakit ayaw mo akong pasahan?” singhal nito sa kanya.

Diretso agad siya sa kanyang plano na malaman niya ang dirty secret nito. “Bakit mo ninanakaw ang panty ni Ate Rosela?”

Kitang-kita niya nang mawalan ng kulay sa mukha si Lope. Napanganga sa reyalisasyon na alam niya ang ginagawa nito.

“Ang bastos mo naman!” siya naman ang suminghal dito. “Isusumbong kita kay Kuya Bochok!”

Lalong nawalan ng kulay sa mukha si Lope. Nagmamadali nitong inilagay sa backpack ang mga gamit at agad umalis sa pag-uusap nilang iyon.

 

END OF BOOK VIII

(To be continued)