Skip to main content

Arron at Yen hindi naging mag-on

February 3, 2016

NAGTAPOS na ang teleseryeng All of Me kamakailan kung saan kasama si Arron Villaflor. Proud na proud ang aktor na naging bahagi siya ng nasabing serye.

“I’m very thankful to have this project and very thankful that Star Magic and Cornerstone are very supportive with the things that I do,” pahayag ni Arron.

Hindi raw inakala ng aktor na mapapasabak siya sa mga aksyon ang tema katulad din ng kanyang ginawa sa pelikulang Heneral Luna.

“Di ko akalain na dito ako babagsak. Akala ko kasi parang pa-cute lang ako o may love team na papogi na kinikilig, hindi pala. Iba ‘yung ibinigay sa ‘kin ng Diyos,” dagdag ng binata.

Aminado si Arron na muntik na niyang iwan ang show business noon. “That was mga four years ago. Sabi ko sa magulang ko, ‘’Ma, parang ayoko na, gusto ko nang huminto.’ No’ng mga time na ‘yun hindi ko naisip na, ‘Hindi, sige... pag umalis na ako dito sa show business pwede naman akong mag-aral. Pwede naman akong magtrabaho.’ Nagdasal ako kay Lord, sabi ko sa kanya, ‘Lord, tutal naman nahihirapan na ako sa desisyon ko, tulungan Mo naman ako. Bigyan Mo ako ng pagkakataon uli, siguro Ikaw na ang mag-decide para sa akin. Hindi na ako humihingi ng kung ano pa, Lord, tulungan mo lang ako sa magiging desisyon ko,’” emosyunal na kwento ni Arron.

Pagkatapos ng isang linggo ay agad daw tinawagan ang aktor ng kanyang manager para sa isang malaking proyekto kaya mula noon ay iniaalay na ni Arron sa Panginoon ang lahat ng kanyang ginagawa.

Samantala, hindi rin pala nag-prosper ang panililgaw na ginawa ni Aaron sa kanyang co-star sa All of Me na si Yen Santos.

Natapos at natapos ang series, na kumbaga ay nganga ang binata.

Which, of course, according to Aaron ay masakit isipin, since tapat nga raw ang iniaalay niyang pag-ibig kay Yen.

EDITOR’S TAKE:

Not meant to be.