Skip to main content

Ayaw na siyang ka-sex ng mister dahil pinagbintangan niyang nambabae

July 30, 2015

TWENTY-FIVE years old na si Aya at kasal na siya kay Ed, 29. Ang problema niya ay ayaw nang makipag-sex sa kanya ng mister.

Dati naman daw ay pareho silang mainit sa kama. Pero minsan ay umuwi si Ed na lasing na lasing matapos makipag-inuman sa mga kaibigan.

May kakaiba rin daw siyang naamoy kay Ed nang gabing iyon na umuwi itong lasing. Ang pakiramdam niya ay nakipag-sex ito sa ibang babae.

Nang sitahin daw niya ito ay sinabi nito na hindi naman ito gumamit ng babae. Nag-sorry siya rito. Pero mula raw noon ay hindi na siya nito nilalambing at hindi na nga sila nag-sex.

Ano raw kaya ang dapat gawin ni Aya?

EDITOR’S TAKE:

Dapat alamin ni Aya kung ano ang problema ni Ed. Kung ayaw na siyang maka-sex ng asawa dahil lang pinagbintangan niya ito, something is wrong.

Sabihin niya na nag-sorry na siya sa mister niya at natural lang sa isang babae ang magduda. Hindi naman tama na sa kaunting bagay ay mawawala na ang dating masaya nilang pagsasama.

Puwede ring siya na ang mag-initiate na magkaroon muli sila ng sex life. Maligo siya, magpabango, magsuot ng sexy at maging agresibo. Sa ating palagay, bibigay si Ed at magbabalik muli ang init sa pagitan nila.

Tampo lang iyon. Karinyo brutal lang ang katapat at pangako rito na hindi na uli siya magbibintang.