Skip to main content

BLIND ITEM: Actor galit sa male celebrity dahil tinikman ang GF niyang aktres!

October 11, 2015

MAY bad blood pala sa pagitan nina male celebrity D at actor J. Hindi sila nagpapansinan at kung may isang mainit ang ulo sakaling magkrus ang kanilang landas, mauuwi iyon sa suntukan.

Ang rason, kini-claim ni male celebrity D na naka-sex niya ang dating GF ni actor J noong mag-on pa ang dalawa.

Interesting ito dahil ang alam lang ng publiko na nakarelasyon ni actor J na naging syota rin ni male celebrity D ay si actress R. Nagkatikiman ba muna sina male celebrity D at actress R bago nakipag-break ang huli kay actor J?

May isa pang actress na nakarelasyon si actor J pero hindi naman sinabi ni male celebrity D kung ito ba ang nakatikiman niya.

Si actor J ay lumipat na ng network kaya baka malabo ang posibilidad na magtagpo ang landas nila ni male celebrity D.

Clue?

Maliit na tao lang si male celebrity D at medyo hindi talaga nagtatago ng kanyang mga sikreto kaya maraming nakakaaway sa showbiz.