Skip to main content

BLIND ITEM: Bagets na actor obvious ang panlalandi sa sikat na celebrity!

November 29, 2015

NAGPAPA-CUTE ngayon ang isang bagets male star sa isang sikat na sikat na celebrity. Obvious sa isang show kung saan ay paminsan-minsan siyang nagge-guest ang landian nila ng nasabing celebrity.

Ayon sa mga showbiz insiders ay mukhang nagpapalakas sa celebrity ang male bagets dahil baka lumamlam ang career nito. Maghihiwalay kasi sila ng kanyang ka-love team dahil ipapareha muna ito sa isang bagong lipat na young actor na may mas pangalan na mula sa isang network. Knowing na malakas ang impluwensya ng celebrity, kung maging friends nga naman sila—or more than that—baka maipakiusap siya nito sa management na mahanapan pa ng mga projects kahit walang ka-love team.

Sinasakyan naman ng celebrity ang panlalandi ng bagets dahil mahilig naman ito sa mga isyung napag-uusapan ito—lalo na kung may romantic angle.

Naging bahagi ang male bagets ng isang sikat na sikat na romance serye. Mas sikat naman sa kanya ang kanyang naging ka-love team na ngayon nga ay ipapareha na sa iba.

Ang maipapayo lang natin kay bagets, “careful” siya kay celebrity.

‘Yun na ang clue!