Skip to main content

BLIND ITEM: Guwapong cameraman na type ng sikat na aktor na-ban sa network

July 5, 2015

ISANG guwapong cameraman sa isang network ang jobless ngayon. Nasibak kasi siya sa trabaho dahil natuklasan ng management na type na type siya ng isang sikat na actor sa network na noon pa natsitsika na isang silahista.

Ang problema ng nasabing cameraman ay pamilyado na ito at maraming anak. Dahil jobless, wala siyang maisuporta ngayon sa pamilya. Madalas na sa parents pa nito ito lumalapit para may makain ang mga anak.

Hindi naman sana matutuklasan na kinatatakaman siya ng sikat na aktor kung hindi naging madaldal ang cameraman. Dahil nga type siya ng sikat na aktor, binigyan siya nito ng mamahaling laptop. Ipinagyabang ng cameraman ang gadget sa mga kasamahan, at isa sa mga ito ang nagsumbong sa management.

Nataranta ang management dahil may isyu rin kasi na drug dependent ang cameraman noon pa man at hindi lang masibak dahil anak ng isa nilang dating empleyado. Kung madidikit dito ang pangalan ng sikat na aktor, puwede itong maisyu na baka gumagamit na rin ng droga. Kaya ura-urada ay sinibak ang cameraman at na-ban sa bakuran ng network.

Mukhang umiwas naman dito ang sikat na aktor nang malaman ang nangyari. Ngayon ay mukhang dugyot na raw ang guwapong cameramanat impis na ang malalaking masel dahil matagal nang walang hanapbuhay at marahil ay kinukulang na rin ang sustansya sa katawan.

Kawawa naman...

Sino ang sikat na aktor?

Clean-living siya kaya ganoon na lang kabilis ang naging action ng management na mawala ang interes niya sa natipuhang cameraman.