Skip to main content

BLIND ITEM: Pa-booking pa rin ang sexy actress

MAY 6, 2015

MULA nang hindi maging forever ang love life ng sexy actress na ito sa una niyang relasyon ay naligaw na siya ng landas. For a while ay inakala ng mga showbiz insiders na nagbago na siya at nagtatrabaho na nang marangal, pero hindi pala.

Hindi pa niya iniiwan ang kanyang “raket” at hanggang ngayon ay pa-booking pa rin. Hindi po booking sa pagbiyahe sakay ng barko o eroplano, kundi booking sa mga lalaking handang bumayad matikman lang ang kanyang kandungan.

Madalas siyang makita sa isang hotel malapit sa coffee shop na tambayan naman ng mga showbiz reporter. Suki raw si sexy actress sa nasabing hotel ayon sa mga bell boy na nakatsikahan ng mga reporter.

Napatunayan ng mga reporter na totoo ngang suki roon ang sexy actress dahil minsang naispatan nila ito ay tatlong beses itong nagpabalik-balik doon. At sa tuwing lumalabas ito sa nasabing hotel ay basang-basa ang buhok—at hindi naman siguro nag-swimming dahil sawa na ito sa breakwater, ehe!

Tsika pa ng bellboy na nakausap ng mga reporter, iba-ibang room ang pinupuntahan ng sexy actress, at iba-ibang guest din ang binibisita nito.

Babaeng guest, tanong daw nila. Baka kasi kumare o BFF nito.

Hindi raw. Lalaki raw ang mga guests na binibisita nito.

Hmmm...

Anyway, kamakailan ay pipirma sana ng kontrata sa isang talent agency si sexy actress pero hindi pala natuloy. Kaya siguro balik na naman siya sa dating trabaho.

Ang nakakaloka lang, hindi na nga siya bumabata ay hindi pa rin siya nagbabago. Malaki na ang anak niya pero patuloy pa rin siya sa ganoong gawain.

Minsan na siyang tinulungan ng sikat na sikat na aktor na kanyang nakarelasyon, pero hindi naman niya ginamit sa mabuting paraan ang ibinigay na tulong.

May konting clue na tayo sa itaas kaya baka may idea na kayo kung sino siya. Anyway, ang sikat na sikat na aktor na nagbigay sa kanya ng tulong ay siyang natsismis noon na ama ng anak ni sexy actress—na itinanggi naman ng aktor.

Si sexy actress ay gumawa ng pangalan dahil agad siyang nakakuha ng parangal sa kanyang unang pelikula at pinuri ng mga critics ang kanyang husay sa acting. Pero matapos iyon, at nang maaga siyang magbuntis at manganak, nadiskaril na ang kanyang career.

Sayang...

Nahuhulaan n’yo ba kung sino siya?

Para mas may idea kayo kung sino siya, medyo tunog bayani ang kanyang apelyido.

Anyway, we are hoping na mabigyan muli ng mga projects si sexy actress kahit sa mga serye dahil mahusay naman siya. And of course, para iwan na rin niya ang raket niya ngayon na sumisira sa kanyang puri at dangal.