Skip to main content

BLIND ITEM: Sexy actress inagaw ang boyfriend ng kanyang best friend

SI sexy actress ay ibang klase ang drama pagdating sa love.  Sabi raw kasi niya sa best friend niya na isang aktres din, siya raw ay mas nata-challenge sa karelasyon na may asawa na o di kaya ay may girlfriend na. Trip daw talaga niya ang mang-agaw ng lalaki.

Ang ikinawindang ng best friend ng sexy actress ay maging siya ay tinalo ng kaibigang sexy actress! Ilang buwan after nilang magkalabuan ng boyfriend na galing sa pamilya ng mga pulitiko ay nadiskubre niyang inagaw pala mismo ito ng kanyang kaibigan, kaya pala raw hindi na ito masyadong nagpaparamdam sa kanya.

Ahas! Isa palang anaconda si sexy actress!

Panay pa raw ang post ng larawan ng sexy actress ng photos nila ng ex-boyfriend ng best friend sa Instagram, at parang ibinabandera sa buong mundo na sila na talaga.

Iyak na lang daw nang iyak si best friend sa ginawang pang-aahas ng kaibigang sexy actress.

Ang ending, hindi rin nagtagal ang relasyon ng sexy actress at ng ex-BF ng best friend niya. Iyon daw ang tinatawag na karma.

Ang best friend ni sexy actress na may asim din naman talaga ay itago natin sa pangalang alyas “G”.

Ang sexy actress na may pagka-anaconda ay talagang pantasya ng bayan ang kaseksihan, at may “birdie” sa name niya. Madalas din siyang cover ng mga men’s magazine dahil sa kakaiba niyang alindog.

Nahulaan n’yo ba kung sino ang sexy actress, at kung sino ang pretty rin niyang best friend?