Skip to main content

BLIND ITEM: Sexy actress nabigo sa pangakong kasal ng male singer

May 24, 2015

MATAPOS magkaanak ni sexy actress kay male singer ay medyo namahinga muna ito sa showbiz at nag-full time mom. Sa mga unang taon ng kanilang pagsasama ni male singer ay naging maayos ang lahat at inakala ng malalapit sa kanila na sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon.

Bago kasi naging sila ay hindi naging maganda ang nakaraan ni sexy actress sa mga dati niyang nakarelasyon. Naging battered girlfriend pa nga siya sa isang dating nobyo, kaya sa pagdating ni male singer sa kanyang buhay ay inakala na niyang seseryosohin siya nito.

Pero nagkaproblema rin pala...

Ilang taon na silang nagsasama ni male singer pero ang ipinagtataka niya, ni minsan ay hindi man lamang siya nito inalok ng kasal. Sa tuwing mababanggit daw niya ang tungkol sa kasal sa kinakasama lalo pa at may anak na sila ay lagi itong umiiwas. Minsang seryosohang tinanong na niya ito kung ano ang plano para sa kanilang mag-ina ay nagalit pa si male singer.

Nagdesisyon si sexy actress na makipaghiwalay kay male singer at bumalik na lamang sa showbiz, pero dahil hindi na rin naman siya sariwa ay walang nangyari sa plano niyang comeback.

Samantala, hindi na naghabol sa kanya ang male singer na inakala niyang magtatayo ng kanyang dangal.

Clue?

Ang sexy actress ay naging member din ng isang all-female group at madalas maging cover noon ng mga men’s magazine.

Ang male singer naman ay related sa isang sikat na singer-actress.