Skip to main content

BLIND ITEM: Sexy actress at sikat na poging young actor nagtitikiman!

“FRIENDS with benefits” ang dalawang celebrity na ito na nasa iisang network. When we say “friends with benefits” in today’s jargon, meaning, puwede silang magtikiman pero wala silang relasyon.

Si sexy actress ay maganda, medyo bilugan pero malakas ang appeal at sikat din naman sa mga kalalakihan. Madalas din siyang cover ng mga men’s magazine. Ang kanyang katikiman ay si young actor na may sikat na sikat na teleserye ngayon.

Balita kasing mahilig sa tisoy si sexy actress. Naganap ang una nilang tikiman nang mag-show ang kanilang network sa labas ng bansa. Nasa iisang hotel ang dalawa pero magkaiba naman ng room.

After ng show ay nagkasayahan. Party. Konting inuman. Medyo nagkakuwentuhan si sexy actress at ang poging tisoy na young actor. Nang oras na para matulog, naimbita ni sexy actress ang young actor na sa kanyang room na lang magpalipas ng gabi at ituloy ang inuman.

Sa kuwarto, wala nang inumang naganap. Tikiman na lang.

After that ay casual lang ang dalawa sa isa’t isa. Parang walang nangyari. Pero maraming showbiz insiders ang nagsasabing kahit walang relasyon ang dalawa ay may random tikiman na nagaganap—kapag ipinag-aadya ng pagkakataon. Enjoy raw kasi si sexy star sa pagiging bagets ni young actor. Ang young actor naman siyempre ay enjoy rin dahil wala siyang commitment sa sexy actress bukod pa sa super ganda rin naman ito.

Sino ang nagtitikimang ito?

Si sexy actress ay mabait at walang issue sa showbiz. Kamakailan ay nakipag-break siya sa kanyang boyfriend na sikat na athlete. May kinalaman din sa buhok ang kanyang pangalan.

Si young actor na tisoy naman, gaya nang nasabi na natin, ay bahagi ng isang sikat na sikat na teleserye ngayon katambal ang isang napakagandang teen star.

Nahulaan n’yo ba kung sino ang dalawang celebrity na ito?