Skip to main content

BLIND ITEM: Shopping ang paalam ng singer-actress sa ina para makapagsolo sila ng BF na actor!

October 4, 2015

MARAMI ang tumutukso sa actor na ito kung may time ba silang magsolo ng kanyang singer-actress na girlfriend. Conservative kasi ang dalaga, at dagdag pa rito ay mahigpit magbantay ang nanay nito.

Aminado ang actor na mahirap noong una para sa kanilang dalawa na humanap ng private moments. Kaya ang ginawa raw niya ay hinayaan na muna niya na laging may chaperon ang syota at ni hindi man lang sila nagho-holding hands para huwag masira ang tiwala ng nanay nito sa kanya. Kapag lumalabas sila na may kasama, kumakain lang sila at kuwentuhan, at pag nainip na sila ay inihahatid na niya ito sa bahay.

Pero later on ay nakaisip daw sila ng taktika kung paano makakapagsolo. Nagpapaalam ang singer-actress sa nanay nito na magsa-shopping na mag-isa. Pumapayag naman ang nanay nito—na laging happy dahil pag-uwi ng mabait na anak ay may pasalubong pa sa mga kapamilya.

Pero bukod pala sa shopping ay may iba pang activity ang singer-actress. Bago ito magpunta sa mall ay pupuntahan muna nito ang BF na actor sa place nito para magkasolo sila. At pag tapos na ang mga maiinit at matatamis na sandali, saka pa lang ito magsa-shopping at uuwi sa kanila—nang hindi nakakahalata ang ina.

Anyway, mukhang seryoso naman sa relasyon ang magsyota at marami ang nagwi-wish na mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon. Open na rin naman sa public ang kanilang pagmamahalan—ang tikiman na lang ang patago.

Clue?

Ang actor ay mahilig din sa extreme sports.