Skip to main content

BLIND ITEM: Young actor at young actress tuloy ang relasyon!

November 29, 2015

KAHIT pa ano yata ang gawin ng management sa young actor na ito at sa nali-link sa kanya na young actress ay mukhang hindi sila mapigilan sa kanilang mga damdamin. Noon ay napabalita nang nakita silang naghahalikan sa isang party. Kamakailan ay naulit ang nasabing insidente at nag-lip-lock na naman sila in full view of the public.

Si young actor kasi ay pilit na iniuugnay sa kanyang ka-love team. Sobrang successful kasi ang kanilang tambalan kaya ang mga spin doctors ng kanilang network ay kung anu-anong ek-ek ang ginagawa para lang palabasin na may romantic involvement ang dalawa—pero wala. Kunwari pa ay nag-aaway kuno ang dalawa dahil sobrang protective ang young actor sa ka-love team. Pero sa likod ng camera, hindi talaga.

Ang sinasabing young actress na talagang karelasyon umano ng young actor ay medyo nadiskaril ang career matapos ang mga wrong moves ng kampo nito at ilang family issues. Pero ngayon ay may project na muli ito. Iyon nga lang, gaya ng young actor, kahit itambal ito sa iba ay silang dalawa talaga ang madalas mahuling magka-date.

Mukhang hindi naman sila mapagtambal ng kanilang network dahil walang market.

Anyway, itago natin silang dalawa sa alyas na “double J”.