Skip to main content

BLIND ITEM: Young actress natuklasang may non-showbiz GF ang syotang young actor

July 5, 2015

TOTOO pala na may non-showbiz girlfriend ang isang young actor kaya ito hiniwalayan ng ex-girlfriend na young actress.

Ayon sa kuwento ng mga source ng blind item na ito, nang mag-birthday this year ang young actor ay magkarelasyon pa sila ng young actress. Pero sa place kung saan ginanap ang birthday party nito ay present din pala ang non-showbiz girlfriend nito.

May nakapagbulong sa young actress na naroon ang kahati nito sa puso ng young actor at inginuso kung sino. Hindi naman gumawa ng eksena si young actress at hinayaang makaraos ang party nang walang eskandalo. Dakilang martir lang muna ang kanyang peg.

Kaya raw pala hindi mapakali at tensyunado ang young actor noong birthday party nito ay dahil natatakot na baka magwala si young actress pag nalaman na parehong naroon ang dalawang babaing naghahati sa puso nito.

Anyway, ilang araw matapos ang birthday ni young actor ay tinapos na rin ni young actress ang lahat sa kanila. At ngayon din niya napatunayan ang sinasabi sa kanya noon ng kanyang best friend na isa ring young actress na manloloko ang young actor at mahilig talaga sa babae.

Sino ang young actor na babaero? Well, sino ba ang nag-birthday early this year na young actor? Iilan lang naman sila kaya madaling hulaan.

Ang young actress naman na nagpakamartir ay maganda ang takbo ng career ngayon at nali-link sa kanyang katrabaho sa isang serye at pasayaw-sayaw lang pag Sunday.