Skip to main content

BLIND ITEM: Young actress at young actor magkatabi kung matulog noong mag-on pa sila

HIWALAY na ang magsyotang bagets na ito, pero naging makulay ang kanilang love story. Makulay in the sense na para na silang mga matured ang pananaw sa pag-ibig.

February this year nang umamin ang young actress na December 2014 pa lang ay on the rocks na ang kanilang relasyon. Isa raw kasi sa kanila ang may iba nang minamahal. Hindi naman malinaw kung siya o ‘yung young actor ang may bagong kulukadidang.

Anyway, noong kainitan ng kanilang relasyon at sobrang in love sila sa isa’t isa, wala raw nakapipigil sa young actress na gawin ang gusto para sa young actor, gaya na lamang ng puwede itong matulog sa kanilang bahay—anytime!

Repeat... anytime!

Wala raw magawa ang mommy ng young actress kahit menor de edad pa noon ang anak. Kung bakit, kapag pinagsasabihan daw nito ang anak ay si mudrakel pa ang nabubulyawan. Kasi nga naman ay ang young actress na ang nag-aakyat ng pera sa pamilya—lalo pa at hindi naman sila suportado ng ama nito na nangibang pugad na.

Ayan, si bagets kasi ang pinaghahanapbuhay!

Malayo naman ang bahay ni young actor sa Metro Manila kaya may pagkakataon talagang pinapatulog na lang ni young actress ito sa kanilang bahay lalo na pag galing sa shooting or taping. At kaya siguro nasisita ni mudrakel ang dalawa, aba, e, magkatabi raw ang dalawang bagets pag matutulog na.

E, natutulog nga lang ba?

Mabuti na lamang at hindi nagbunga ang kung anumang naitanim nila nang mga panahong iyon.

Magkaibigan pa rin naman daw ang dalawang bagets ngayon, pero hindi na puwedeng mag-sleep over ang young actor sa bahay ni young actress. May magagalit na kasing bagong dyowa.

Gusto n’yo ng clues?

Magkasama sila sa iisang network. Si young actor ay alaga ng isang talent manager na hindi natutulog.

Si young actress naman ay very pretty, talented at pangarap ding maging newscaster balang araw dahil carry naman niya. Noon pa man ay medyo controversial na ang kanyang love life dahil kung kani-kanino siya napapabalitang nai-involve.

May letters “J” at “B” sa mga pangalan nila.