Skip to main content

'Confuse' pala ang lalaking lagi niyang ka-date

July 30, 2015

NAKILALA ni Grace si Ron a year ago, at nagsimula silang mag-date. Naputol lang iyon nang mag-abroad ang binata. Lagi naman silang may komunikasyon online.

Kamakailan ay nagbalikbayan si Ron at agad silang nagkita. Masaya ang kanilang muling pagkikita at madalas na uli silang gumimik at mag-date.

Na-realize later on ni Grace na patungo lang sa friendship ang namamagitan sa kanila ni Ron. Dumating sa point na medyo dumistansya na siya rito.

Pakiramdam niya ay naka-get over na siya kay Ron. Makalipas naman ang pitong buwan ay muli itong kumontak sa kanya, at nagkita silang muli.

Sabi ni Ron ay lagi raw siya nitong naiisip. Medyo kinilig siya roon. Inabot sila ng gabi sa pagkukuwentuhan at niyaya niya ito na sa condo na lang niya matulog dahil umulan nang malakas at bumaha. Anyway, may bakante namang maliit na room sa kanyang condo.

Nang matutulog na siya ay naisipan niyang silipin si Ron. Nagulat siya nang makitang nanonood ito ng mga lalaking nagse-sex sa kanyang desktop na sa kuwartong iyon nakalagay.

Nagkatitigan daw sila at nagyuko ng ulo si Ron. Siya naman ay hindi malaman ang sasabihin. Okey lang manood ng porn, pero bakit parehong lalaking nagtatalik ang pinapanood nito?

Iniwan na niya ito. Kinabukasan ay sabay silang nag-almusal at tinanong niya ito kung gay ba ito. Sagot ni Ron ay confuse ito.

Hindi raw malaman ni Grace ang gagawin. Ayaw niya ng karelasyon na confuse. Iyon daw siguro ang dahilan kaya hindi mag-materialize ang anumang namamagitan sa kanila ni Ron. Masaya siya sa company nito, pero awkward na rin siya dahil sa natuklasan dito.

EDITOR’S TAKE:
Tama lang ang ideya na huwag ituloy ni Grace kung patungo sa relasyon ang namamagitan sa kanila ni Ron. Kung confuse ang lalaki, delikado.

Posibleng hindi pa nagtatapat ng kanyang sekswalidad si Ron kahit kanino. Ang aksidenteng pagkakatuklas ni Grace sa panonood nito ng male porn at pag-amin na may duda ito sa sarili ay naging daan na pa rin para unti-unti ay mag-come out ito in the open.

Posible ring nagamit ni Ron si Grace para pagtakpan ang mga kontradiksyon sa kalooban nito.

Dahil dito, pareho na silang puwedeng kalimutan ang kanilang naudlot na relasyon at mag-move on na para humanap ng ibang mamahalin.