Skip to main content

Dalagang call center agent, hinalay bago pinatay

October 5, 2015

PATAY ang isang mag-ama sa Binangonan, Rizal matapos pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay.

Natagpuang duguan at walang buhay sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Paltok, Binangonan si Fulgensio, 58, at ang 30 anyos niyang anak na si Marichu, isang call center agent.

Nadatnan ng mga awtoridad ang ama sa salas ng bahay, habang ang dalaga ay nakita sa  kuwarto sa ikalawang palapag, at hinihinalang ginahasa muna bago pinatay.

Batay sa imbestigasyon, tama ng saksak sa dibdib at leeg ang tumapos sa buhay ng mag-ama.

Posible umanong kakilala ng mga biktima ang suspek dahil walang bakas na pinuwersa ang pintuan ng bahay at wala ring nakarinig na kapitbahay nang maganap ang krimen.

Isinailalaim na sa awtopsiya ang bangkay ng babaing biktima upang makumpirma kung hinalay nga ito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon para malaman kung sino ang responsable sa naturang pagpaslang.

EDITOR’S TAKE:

Walang perfect crime. Posibleng matagalan, pero kung hindi titigil ang mga awtoridad ay tiyak na may mahahalukay silang ebidensya o testigo sa krimen na ito.