Skip to main content

Dalagang hindi maiwan ang may asawang lover nadisgrasya

May 25, 2015

SINISILIP ang anggulong love triangle sa pagpatay sa isang 19 anyos na dalaga.

Sa ulat ng pulisya ng Midsayap, North Cotabato, nakilala ang biktima na si Myrna Apple Kalipat, 19, residente ng Arakan, Cotabato. Namatay ang biktima matapos magtamo ng limang tama ng bala ng baril.

Bumili umano ng pagkain si Myrna sa isang tindahan sa Brgy. Sambolawan sa bayan ng Midsayap pasado alas sais ng gabi noong Mayo 23 nang bigla itong lapitan ng dalawang hindi nakilalang lalaki at pinagbabaril gamit ang kalibre .45. Dead on the spot ang biktima. Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Batay pa rin sa ulat ng pulisya, matagal na umanong pinapaalis sa kanilang lugar si Myrna dahil sa pakikipag-live in niya sa lalaking pamilyado na at tagaroon din.

Ang mga kamag-anak ng lover ng dalaga ang nagpapayo sa kanya na umalis na roon para makaiwas sa disgrasya.

Nanindigan umano ang dalaga na mahal na mahal niya ang ka-live in kaya hindi ito umalis doon hanggang sapitin nito ang maaga at malagim na kamatayan.

Gayunpaman, wala pa ring malinaw na motibo ang pulisya sa krimen at patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

EDITOR’S TAKE:

Kapag pag-ibig daw ang pumasok sa puso ninuman ay kayang suwayin ang lahat masunod lamang ito. Mali nga lang ang napiling pag-ibig ni Myrna dahil hindi na malaya ang lalaking minahal niya.

Though hindi pa tiyak kung ang relasyon niya sa married guy ang dahilan ng krimen, kasalanan pa ring maituturing ang pakikiapid niya rito.

Pero ang higit na dapat na sisihin sakaling ang relasyon nga nila ang sanhi ng kanyang kamatayan ay ang lalaking may-asawa na pero pinaibig pa si Myrna at sinamantala ang pagiging inosente.