Skip to main content

'Don't touch the merchandise'

March 7, 2016

TAGILID ngayon ang isang pulis na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport matapos sampahan ng kasong Sexual Harassment  at Acts of Lasciviousness ng isang lady guard sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Kinilala ni Sr. Supt. Adolfo B. Samala, hepe ng Philippine National Police Aviation Security Group, National Capital Region ang suspek na si P03 Jerome Albores, na nakatalaga sa naturang tanggapan.

Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Amy, ay,nakatalaga sa Terminal 3 ng NAIA.

Naganap ang insidente noong Pebrero 21, alas 7:15 ng gabi sa BBSU Control Point, NAIA, Terminal 3 ng naturang lungsod. Hinipuan umano ni Albores  sa kaliwang “boobs” ang biktima habang naka-duty ito, dahilan upang ireklamo nito ng pang-aabuso ang pulis.

Isinampa na sa Pasay City Prosecutor’s Office ang mga kaso laban kay PO3 Albores.

EDITOR’S TAKE:

Rehas naman pag nagkataon ang hihimasin ng manyakis na pulis!