Skip to main content

Ejay at Ellen natural kung humugot ng sexual tension

February 4, 2016

NGAYONG Pebrero ay magtatapos na ang teleseryeng Pasion de Amor. Malaki raw ang naitulong kay Ejay Falcon ng nasabing proyekto dahil mas gumaling siya bilang aktor dahil na rin sa tulong ng katambal na si Ellen Adarna. Hindi raw siya nahihirapan upang magkaroon ng sekswal na emosyon dahil natutulungan siya ng aktres.

“Alam n’yo, ‘yung mga director namin pag ang hinihingi nila ay sexual tension, ang bilis. ‘Yung girls namin, ang susuwerte talaga namin kasi ang gaganda ng ka-partner namin. Hindi na kailangan pang hanapin ‘yung sexual tension, kusang dumadating,” nakangiting pahayag ni Ejay.

“Ang natutunan ko rito sa show na ito ay normal akong kinilig. ‘Yung mga kilig na eksena namin ni Ellen ay normal na lumalabas, hindi inaarte. Sa akin, simula noong umpisa parang pag siya ‘yung kaeksena ko ay kusang lumalabas ang kilig. Hindi ‘yun parang pini-fake ko, Normal talaga,” dagdag ng aktor.

Matatandaang niligawan ni Ejay si Ellen noong isang taon pero hindi sila naging magkasintahan.

“No’ng mga panahon na ‘yun siguro mas pinili lang namin na mas mag-focus muna kami sa trabaho. Naroon kasi sa point na sobrang okey kami and then biglang may nangyari, nagkagulo na, hindi kami nag-usap. May mga ganoong pangyayari na mahabang panahon na hindi kami masyadong nag-usap. Ngayon, ang importante ay okey na okey na kami,” pagbabahagi pa ni Ejay.

Aminado naman ang binata na posibleng ligawan niyang muli si Ellen pagkatapos ng kanilang serye.

“Ayoko munang isipin pero sa kanya na rin nanggaling na hindi pa niya ikino-close ‘yung door and one month pa ‘yung show,” pagtatapos ni Ejay.

EDITOR’S TAKE:
Click as love team but not as real life sweethearts.