Skip to main content

Ellen Adarna hiwalay na sa BF nang umamin sa kanilang naging relasyon

May 26, 2015

INAMIN ni Ellen Adarna sa press na break na sila ng boyfriend na si Raymund Romualdez.

Si Raymund ay dating boyfriend ng matalik na kaibigan ni Ellen na si Gwen Zamora, at sinasabing dahilan kung bakit nasira ang kanilang friendship.

“Yes, and I’d rather not talk about it,” ani Ellen sa isyu.

Nakakagulat ang rebelasyon niyang ito dahil hindi niya inamin na nagkaroon sila ng relasyon ng ngayon ay ex-BF na niya.

Nang tanungin kung bakit sila naghiwalay, ang sabi lang niya, “Let’s just say na malabo ‘yung relationship and we’re better off as friends. Kasi, when we’re together, we’re always fighting. But we’re still friends, we still talk. We’re actually neighbors, so, there’s no reason for us to fight.”

Nang kumustahin naman tungkol sa dati niyang best friend na si Gwen, aniya, “Okey naman. We’re still friends, but I don’t see her that much.”

Kasama si Ellen sa bagong Kapamilya serye na Pasion De Amor. Naitutukso naman siya sa aktor na si Ejay Falcon na kasama rin sa serye.

“Actually, kami ni Ejay, palagi kaming nag-aasaran,” kuwento niya.

Wala naman daw imposible kung sakaling mauwi sa relasyon ang pagtatambal nila ni Ejay.

Aniya, “Anything is possible, pero hindi ko pa iniisip. I mean, ine-enjoy ko pa ang pagiging single ko. Last time I was single, I was 18, and it’s been ten years... almost magti-thirty na ako. I think, this is the time that I have to focus on myself and be free.”

EDITOR’S TAKE:

Kung si Ellen Adarna ka, hindi talaga dapat magmadali sa pag-ibig. Sa isang gaya niyang guy magnet, nasa kanya ang lahat nang panahon at pagkakataon na makakita ng perfect guy para sa kanya—pero sana next time ay huwag na sa karelasyon ng sinuman sa mga female friends niya.