Skip to main content

Foreigner ang bagong nagpapakilig kay Aiko Melendez

September 1, 2015

KASAMA si Aiko Melendez sa teleseryeng The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Bukod sa nasabing soap opera ay abala rin siya sa pelikulang Balatkayo. Kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ay napababalitang may bagong manliligaw ngayon ang aktres. Mario Claudio ang pangalan ng foreigner na suitor ni Aiko na nakabase sa Spain.

“Actually I met Mario here in Manila pagbalik na pagbalik ko from London. Nai-set up kami ng friend namin dito. Nakabase siya sa Spain, pero in Cebu pabalik-balik siya,” pagtatapat ni Aiko.

“We are in the process of getting to know each other. But in terms of dating, hindi ko masabing exclusively dating, pero sa kanya, ako lang talaga ‘yung kinikita niya,” dagdag ng aktres.

Naipakilala na rin daw ni Aiko sa kanyang pamilya si Mario kamakailan lamang.

“He makes some effort because he met my family already. Very polite si Mario. Binigyan niya ng flowers ‘yung kapatid kong babae, ang mom ko and birthday noon ng daughter kong si Marthena. So, he went there, kinausap niya ang mom ko. He said na his intentions are good sa akin,” nakangiting kuwento niya.

Pitong taon na ang nakalilipas mula nang hu­ling magkaroon ng kasintahan ang aktres at ngayon ay nakahanda na raw na muling umibig.

“May nanliligaw sa akin na matinong lalaki na humarap sa pamilya ko at sinabing gusto kong makasama ‘yung anak n’yo kung bibigyan n’yo ako ng pagkakataon. At saka hindi lang ‘yung panandalian. Gusto niya na kung maaari ako na ‘yung huli raw,” pagtatapos ng aktres.

EDITOR’S TAKE:

Hindi matagumpay ang mga relasyon ni Aiko sa mga naging ka-on niya na Pinoy. Sana ngayon na isang foreigner na ang nagpapakilig sa kanya ay magkaroon na ng happy ending ang kanyang love life.