Skip to main content

'Forevermore' finale pinaiyak at pinakilig ang mga Pinoy

May 23, 2015

BUONG Pilipinas at maging ang mga Pinoy sa ibang bahagi ng mundo ay pinaibig ng pagwawakas ng seryeng "Forevermore" ng ABS-CBN. Nagsimulang umere ang naturang serye noong October 27, 2014 at nagwakas noong Biyernes, May 22, 2015.

Lahat ay namangha sa naging pagtatapos ng serye—na karamihan ay nagmadaling makauwi ng bahay maabutan lang ang final episode.

Bago ang finale ay marami pang issues na dapat ma-solve sa kuwento, ilan dito ay ang mismong love story ng mga bidang sina Agnes Calay (Liza Soberano) at Xander Grande (Enrique Gil), at ang kontrobersya sa agro-project malapit sa Sitio La Presa.

Nagtapos ang kuwento nang mag-propose si Xander kay Agnes sa ibabaw ng Mt. Pulag bago lumipad ang binata patungong Japan para tapusin ang kanyang apat na taong scholarship grant.

Nag-trending naman ang official hashtag ng serye na #ForevermoreFinale. Maraming netizens din ang pumuri sa mga bumubuo ng “Forevermore” dahil sa napakagandang kabuuan nito.

May mga nabitin pa raw, at may hindi rin nakuntento sa naging ending. Isang netizen ang nag-react na, "So many unresolved issues. What about Jay and Agnes? What happens to Agnes' mom? How about La Presa's water supply?"

Naging trending din ang "Kung Tayo", “Rebound” at “Erich” dahil sa eksena nang makipag-break si Xander kay Alex na karakter ni Erich Gonzales.

Kakaiba naman ang naging opening scene kung saan nagpalitan sina Agnes at Xander ng "What If".

Sa final week ng “Forevermore” ay laging No. 1 ito sa ratings at napanatili ang pangunguna sa primetime. Ito rin ang nagpatatag kina Enrique at Liza para kilalaning isa sa mga bankable love teams sa bakuran ng ABS-CBN.

Hindi naman matatapos ang kilig sa mga Pinoy televiwers matapos ang “Forevermore” dahil magiging kapalit nito sa timeslot ang remake ng “Pangako Sa ’Yo simula sa Lunes, May 25. Tatampukan ito nina Teen King and Queen Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Angelica Panganiban.

EDITOR’S TAKE:

Salamat sa seryeng ito, maraming Pinoy ang muling naniwala na pagdating sa pag-ibig ay mayroon pa ring forever.