Skip to main content

Groom na hindi sumipot sa araw ng kasal idinemanda ng pamilya ng bride

MAY 5, 2015

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang groom-to-be sa Quezon City makaraang hindi nito siputin sa kasal ang kanyang bride-to-be noong Abril 29, 2015.

Mismong ang pamilya ng babae ang nagreklamo sa pulisya laban sa lalaki.

Kuwento ng ama ng bride-to-be, ilang oras nilang hinintay ang mamanugangin ngunit hindi ito sumipot sa kasalan.

Depensa ng lalaki, na-flat ang gulong ng kanyang kotse kaya siya na-late ng ilang oras.

Hindi tinanggap ng pamilya ng babae ang dahilan ng groom kaya tuloy ang demanda.

Ang hindi malinaw ay kung matutuloy pa ang kasal.

EDITOR’S TAKE:

Ang pag-aasawa ay hindi parang bagong lutong kaning isusubo na puwedeng iluwa kapag nainitan. Sa palagay natin, ito ang pumasok sa isip ng groom, at na-realize niyang hindi pa siya handang magpamilya.

Posible siyang makulong dahil sa ibinigay niyang kahihiyan sa kanyang dapat ay naging misis at sa pamilya nito kung desidido ang mga ito na ipursige ang kaso.

Dalawang bagay ang pagpipilian niya kung talagang may alinlangan siya sa kanyang isip at puso; ang makulong siya sa tunay na kulungan at pagdusahan ang naging kasalanan sa pamilya ng dapat ay naging misis niya, o ituloy ang kasal at makulong siya sa isang habambuhay na relasyon na hindi naman siya masaya.