Skip to main content

Gusto ng parents ng GF niya na magkaroon sila ng pre-nuptial agreement

September 3, 2015

MAGKASINTAHAN sina Lloyd at Gemma. Middle class lang ang binata, at anak-mayaman ang dalaga. Pareho na silang professional.

Lately ay napag-uusapan na ng dalawa ang pagpapakasal. Nag-open na rin sila ng joint account para sa mga gagastusin sa kanilang wedding. Hanggang sa may sabihin kay Lloyd si Gemma. Gusto raw ng parents nito na may pre-nuptial agreement sila bago magpakasal. Meaning, may kasunduan na kung anuman ang mamanahin ni Gemma mula sa parents nito ay walang magiging kabahagi si Lloyd kahit pa kasal na sila.

Medyo na-off daw si Lloyd sa kondisyon. Para raw kasing lumalabas na ang habol lang niya kay Gemma ay ang pera ng pamilya nito. Maganda raw ang kanyang trabaho at may naipundar na ring condo at sasakyan. Ever since, ayon sa kanya, ay hindi boto sa kanya ang pamilya ng nobya kaya raw siguro nagbigay ng kondisyon na makaka-offend sa kanya.

Dapat daw ba siyang pumayag sa kasunduan?

EDITOR’S TAKE:

Kung pipirma siya sa kasunduan ay mas makukuha niya ang simpatya ng pamilya ni Gemma. Isang pagpapatunay iyon na hindi ang kabuhayan ng mga ito ang hinahabol niya kundi mahal talaga niya ang kasintahan.

Sabi nga niya ay maganda ang kanyang career, wala siyang dapat ika-insecure. Ang mahalaga, ngayon pa lang ay magkatuwang na sila ni Gemma sa paghahanda ng mga gastusin sa kanilang kasal. Magandang simula na iyon ng kanilang march to forever.

Kung tutuusin, mas madali pa ang sitwasyon niya ngayon na pipirma lang sa pre-nuptial agreement kaysa i-require siya ng kasintahan na magpalit ng relihiyon.