Skip to main content

Gusto niyang tumikim ng kapwa babae

July 28, 2015

TWENTY-FOUR years old na si Mariz at nakailang boyfriend na rin siya. Karelasyon niya ngayon si Jim at iniisip niyang ito na ang “The One”.

 Nitong mga nakalipas na araw ay nagkakaroon siya ng mga “wild fantasies” tungkol sa mga kapwa niya babae. Madalas siyang mag-imagine na nakikipag-sex siya sa mga ito. Madalas din siyang ma-turn on pag nakakakita ng seksing babae.

May mga kakilala rin daw siyang tomboy na mula pagkabata ay lalaki na agad ang damdamin pero siya ay ngayon lang nagkaganito. Ayaw naman niyang makipagrelasyon sa kapwa babae, at aminado siyang masaya ang sex life nila ng kanyang BF. Kayang-kaya raw siyang i-satisfy nito. Gayunpaman, gusto niyang subukan na tumikim ng kapwa babae para lang maipagpag niya sa kanyang sistema ang curiosity.

Maganda raw ba kaya na idea ito?

EDITOR’S TAKE:

Lahat tayo ay may sexual fantasies, pero kalimitan ay hanggang pantasya lang. Iyon ang nakaka-turn on dahil nga hindi nagaganap sa katotohanan.

Kung sa palagay ni Mariz ay hindi naman siya lesbian o bisexual, bakit kailangan niyang guluhin pa ang magandang relasyon nila ni Jim dahil lang sa isang pantasya? Pero kung may tanong siya sa kanyang sekswalidad pero hindi niya napagtuunan iyon ng pansin noon dahil bawal sa kanilang pamilya, may dapat siyang tiyakin sa kanyang sarili.

May implikasyon kung mag-e-experiment siya sa sekswalidad niya ngayon—at tiyak na apektado later on ang relasyon nila ni Jim. Kaya kung kaya niyang iwaksi ang kanyang pantasya ngayon pa lang, gawin na niya.