Skip to main content

Hindi mahilig sa sex ang mister niya

July 31, 2015

AMINADO si Lotlot, 29, na mainit siya sa kama. Ang problema niya ay parang hindi naman mahilig sa sex ang mister niyang si TJ, 30.

Noong una ay tumutugon daw ito pag nangangalabit siya. Pero nang magtagal ay mas gusto nito na minamasahe na lang niya at pine-pleasure. Hindi na siya pinapatungan matapos niya itong “kamayin”.

Ayaw rin ni TJ na mapag-usapan ang sex. At umiinit na ang ulo ni Lotlot kung kailan ito magiging agresibo sa kama. Ang gusto rin daw ni TJ ay ito ang mag-i-initiate, pero kinaiinipan naman ni Lotlot kung kailan ito magiging agresibo.

EDITOR’S TAKE:
Kasama si TJ sa mga lalaking ayaw na pag-usapan nila ng kanilang misis ang tungkol sa sex. Pero kung hindi healthy ang sex life, nagiging ugat iyon ng pagtataksil at paghihiwalay.

May mga magsyota na masaya noong panahon ng dating period, pero once na makasal na ay saka matutuklasan na hindi sila sexually compatible.

Ang tanging paraan para maresolba ito ay malalimang pag-uusap at kasunduan.

Hindi dapat pintasan ni Lotlot si TJ, pero sabihin niya rito ang mga gusto niya sa kama bilang babae. Itanong din niya rito kung ano naman ang trip nito para pareho silang happy.

Puwede rin na minsan ay magbakasyon silang dalawa. Baka ang bagong kapaligiran ay magpabalik sa kanilang romansa at muling magpainit sa kanilang mga gabi.