Skip to main content

Hipag sinamantala ni bayaw

October 7, 2015

WALANG awang ginahasa ng bayaw ang kanyang hipag na may diperensiya sa pag-iisip. Naganap ang insidente October 8 sa Brgy. Poblacion, Polilio, Quezon.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Auring, 19, habang agad tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na Bobby, nasa hustong gulang, pawang residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng Polilio PNP, dakong 11:00 a.m. makaraang magluto ni Josie sa bahay ng kanilang ina nang utusan ang kapatid na si Auring na dalhan ng pananghalian ang suspek na kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa hindi kalayuan.

Makalipas ang 30 minuto, hindi pa bumabalik ang biktima kaya nangamba si Josie na may nangyari sa kapatid.

Bunsod nito, ipinasya ni Josie na sunduin ang kapatid sa kanilang bahay.

Ngunit nang malapit na sa kanilang bahay ay may narinig si Josie na humahalinghing sa madamong lugar at nang kanyang usisain ay nagulat nang makitang nakapatong sa kanyang kapatid ang live-in partner.

Dahil sa matinding sama ng loob, nagpasya si Josie na sampahan  ng rape sa himpilan ng pulisya ang kanyang live-in partner na kasalukuyang tinutugis na ng mga awtoridad.

EDITOR’S TAKE:

Kung minsan kung sino pa ang normal ang pag-iisip ang siyang gumagawa ng mga kabaliwan.