Skip to main content

Hot mama sexually attracted sa bagets na online friend

May 29, 2015

ISANG attractive 40-year-old na misis si Lea. Masaya ang kanyang buhay may-asawa at may isa silang anak na 14 years old na lalaki na ayon sa kanya ay napakabait. Mahal na mahal nila ng kanyang mister ang isa’t isa.

Nakilala ni Lea si George sa isang social networking site. Naging online friends sila for almost two years na—at hindi iyon alam ng mister niya.

Kamakailan ay personal silang nagkita. Mas naging close sila mula nang mag-eyeball. Para kay Lea ay guwapo rin si George at malakas ang dating. Bata pa si George, nasa late 20’s pa lang, binata at sexy.

Panay rin ang puri sa kanya ni George. Ang ganda-ganda raw pala niya at sexy pa. isa raw siyang hot mama na ikinakilig ni Lea.

Dahil napadalas ang kanilang online chatting matapos na personal na magkita ay nauwi iyon sa sex online. Ewan ni Lea kung bakit natangay siya sa tukso.

Ngayon ay gusto ni George na magkita silang muli, at gawin na nila sa actual ang kanilang intimacy.

Noong una ay ayaw ni Lea. Ngunit ngayon, ayon sa kanya ay unti-unti na siyang natutukso na makipagkita kay George, at pumayag na sa gusto nito.

Pero naguguluhan pa rin siya...

EDITOR’S TAKE:

Kung gusto ni Lea na masira ang buhay niya, sige, makipagkita siya kay George.

Pero hindi niya dapat gawin iyon. Isang pantasya lang ang maakit sa ibang lalaki lalo pa kung alam mong attracted din siya sa iyo.

Dapat paalahanan ni Lea ang sarili na may pananagutan na siya, at mahal na mahal naman niya ang kanyang mister at meron silang mabait na anak. Bihira ang ganitong ideal na pamilya. Sasayangin ba niya ito dahil lang sa tukso?

Huwag niyang sugalan ang pang-aakit ni George. At ang pinakamaganda, i-block na niya ito at mag-concentrate na muli sa masaya niyang pamilya.