Skip to main content

'Instagram' susi sa love story ng dalawang photographers

NANG i-submit ni Beulah ang ilan sa kanyang mga photos sa Instagram para sa isang photo competition, hindi siya umasa na mananalo. At lalong hindi niya inakala na matatagpuan niya ang pag-ibig sa contest na iyon!

Nang tanghalin siyang winner, nagkaroon si Beulah ng 200 new followers—isa na rito si Alex.

Na-curious siya sa comment ni Alex at nang silipin niya ang account nito ay nalaman niyang isa rin pala itong photographer.

Nag-e-mail si Beulah kay Alex at nagtanong tungkol sa trabaho nito at kung anu-ano ang mga kinukunan nitong subject sa kanyang photos. Napadalas ang kanilang palitan ng e-mail at nagsimula silang mag-usap sa FaceTime.

Kalaunan, mula sa Alberta, Canada ay dinalaw ni Alex si Beulah sa Melbourne, Florida kung saan nakatira ang dalaga.

“It was the best week of our lives!" ayon kay Beulah. "Head over heels in love. It was comfortable, it was honest, it was right. I couldn't put it into words if I tried, honestly.”

Ang una nilang pagkikita ay nai-post din nila sa Instagram.

Ayon pa kay Beulah, “I still have a photo posted that was taken on my way to pick Alex up from the airport for the first time. Little did I know I was going to pick up my future husband. I’m so thankful for having it all documented.”

Nagkaroon sila ng long-distance relationship, at dumadalaw sa isa’t isa basta may pagkakataon. December 2013 ay nag-propose si Alex kay Beulah nang bisitahin siya ng dalaga sa Calgary.

Matapos sumakay sa gondola patungo sa tuktok ng Sulphur Mountain para panoorin ang magical sunset, lumuhod si Alex sa harap ni Beulah, and asked her to marry him.

Ikinasal sila noong November 2014 sa Florida, at mayoon na ngayong photography business.

EDITOR’S TAKE:

Love comes from the most unexpected places—gaya ng Instagram. Ang maganda kina Alex at Beulah, hinintay nilang mag-grow ang kanilang relasyon bago sila nagdesisyon na gawin na iyong forever. Nakatulong din na pareho sila ng interes na ginawa nilang money-making venture kaya up to now ay happy sila sa kanilang relationship.